Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kristoffer Martin Kathryn Bernardo

Kristoffer inamin super crush si Kathryn, umaasang makakatrabaho muli

MA at PA
ni Rommel Placente

SA interview ni Kristoffer Martin sa podcast ni Pia Arcangel na Surprise Guest with Pia Arcangel noong April 3, inamin ng aktor na may lihim siyang pagtingin noon kay Kathryn Bernardo.

Sa bahagi ng interview, inalala ni Kristoffer ‘yung mga panahon na kasama siya sa Philippine adaptation ng Korean drama series na Endless Love na umere noong 2010, nakasama niya si Kathryn. Bida sa serye ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Gumanap si Kristoffer na young Dingdong, habang si Kathryn naman ang batang Marian bilang mga bidang karakter na sina Johnny at Jenny.

Unang naitanong ni Pia kay Kristoffer kung mahirap bang i-portray ang role na may love interest bilang nasa edad 13 pa lang siya noon.

Parang high school po ako noon, parang lahat naaapektuhan ako kasi bata eh… Mas madali po siya kasi maharot po ako noong teenage years ko,” sagot ng aktor.

Kasunod niyan, naungkat na nga kung nagkaroon ng crush si Kristoffer kay Kathryn.

Deretsahang pag-amin ng aktor, “Opo

For me, it added na lang din doon sa chemistry namin, kung paano namin siya ginawa,” chika niya.

Aniya pa, “Pero siyempre hindi ko po inamin sa kanya ‘yun.”

“At saka sana ‘di niya ‘to mapanood,” dagdag pa niya habang natatawa.

Noong Pebrero lamang nang ihahag ni Kristoffer ang pagnanais na muling makatrabaho si Kathryn.

Kath, baka naman ‘di ba? Work tayo. Sayang ‘yung ‘Endless Love’ oh. Tuloy natin,” panawagan niya sa naging interview sa Fast Talk with Boy Abunda.

Samantala, kasalukuyang mapapanood si Kristoffer sa Kapuso afternoon series na Makiling  starring Elle Villanueva at Derrick Monasterio

Ginagampanan niya ang karakter bilang si “Seb” na isa sa mga kinaiinisang kontrabida sa programa.

Umeere ang serye mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …