SIMULA noon hanggang ngayon, naging daily habit na ng mga Pinoy ang tumutok sa Eat Bulaga at makipagtawanan kina Tito, Vic, at Joey. Tuwing pinatutugtog ang theme song ng show, nagsisilbing paalala ito na oras na para mabusog sa saya at kulitan kasama ang mga Dabarkads.
Halos kalahati ng mga Pinoy sa bawat barangay ay sumabay ng lumaki at tumanda kasama ang Eat Bulaga at patuloy na dumarami ang fans nito mula sa bagong henerasyon ngayon. Kaya bilang pasasalamat sa walang-sawang suporta ng mga Dabarkads, ipagdiriwang ng Eat Bulaga ang National Barangay Day ngayong darating na Sabado para ipakita ang pagiging #1 nito sa puso ng mga Filipino. Kaya sa lahat ng mga legit Dabarkads, maki-join at maki-party kasama ang Eat Bulaga ng TV5, dahil kayo ang tunay na bida!