Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera dingdong dantes karylle

Karylle tama ang ginagawang ‘pag-iwas’ kay Dingdong

HATAWAN
ni Ed de Leon

FINALLY nagsalita na si Karylle. Sinagot na niya ang mga bashers na kung ano-ano ang sinasabi nang mag-absent siya sa It’s Showtime nang mag-promote ng pelikula nila sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Hindi rin sumali si Karylle sa mga host ng Showtime na naging guests ni Dingdong sa kanyang afternoon game show. Sinasabi nila na baka bitter pa rin si Karylle sa nangyari sa kanila ni Dingdong noong araw kaya ganoon.

Inamin naman ni Karylle an iniiwasan niya talagang magkaharap silang dalawa ni Dingdong, hindi raw dahil sa bitter pa siya sa nangyari, pero baka maging ackward kung makikita sila in public. Baka magkailangan sila eh, masira lang ang show. Isa pa iniiwasan din naman ni Karylle na baka may gumawa pa ng issue ulit, baka may manukso pa na mauwi sa hindi magandang usapan kaya para tahimik na lang ang lahat, iniiwasan na niya ang ganoong sitwasyon. Sinabi rin niya ng diretsahan na sila ay ok na pero ang sitwasyon nila ay hindi.

Bakit nga ba ganoon katindi ang mga kuwento?

Hindi ba kasi noon, talaga namang magsyota sina Dingdong at Karylle. At hindi lang sila basta magsyota, magkasosyo pa nga sila sa ilang itinayong negosyo kabilang na ang isang music bar sa Timog. Kahit na sa tatay ni Karylle na si Dr. Tatlonghari ay ok naman si Dingdong.

Pero si Dingdong may record na noon dahil naging syota nga rin niya si Antoinette Taus at naniwala ang mga tao na totohanan na ang relasyon, maging si Antoinette ay naniwala tapos bigla na lang nilang nalaman na wala na pala sila.

Kaya nga noong nanliligaw pa lang iyang si Dingdong kay Karylle, sinabi pa minsan ni Kuya Germs, “sinabihan ko nga si Dingdong, baka hindi naman niya seseryosohin si Karylle, tumigil na siya. Una mabait na bata iyan at galing sa isang disenteng pamilya.” 

Pero ewan kung ano ang nangyari wala ring kamalay-malay si Karylle. Tapos nalaman na lang niya na syota na pala ni Dingdong si Marian Rivera. Hindi na sila nag-usap pagkatapos niyon, basta natapos na lang ng ganoon ang kanilang relasyon. Natural masakit iyon para sa babae. Alam mo na may boyfriend ka tapos malalaman mo na lang, hindi na pala kayo dahil may iba  na pala siyang syota. Para rin iyan iyong nangyari kay Kathryn Bernardo, na akala niya loyal ang boyfriend niya dahil eleven years na sila hanggang dumating ang isang araw na may dumating na isang babae para sabihin sa kanya na, “sorry naka-one night stand ko ang boyfriend mo. Nalasing kasi kami eh.” Tapos ang maririnig mo pang sinasabi ng dati mong boyfriend, “walang kasalanan iyong babae, natukso lang akong gawin iyong hindi maibigay ni Kathryn.”  Ganoon na lang ba iyon?

Siguro nga mas masasabing nakayanan iyon ni Kathryn kaya medyo civil pa siya kay Daniel baka naman mas matindi ang naging dating ng sitwasyon kay Karylle. Pero ano man ang dahilan at katuwiran ang masasabi namin ay tama ang ginagawa ni Karylle na umiwas na lang sa maaari pang maging usapan.

Tutal natapos sila ng walang usapan, bakit pa nga ba kailangang mag-usap pa ngayon?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …