Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera My Guardian Alien

Marian sa bagong serye: Gusto kong maging proud ang mga anak ko sa akin

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

AFTER five years,  muling mapapanood si Marian Rivera sa isang serye via GMA 7‘s My Guardian Alien, na siya mismo ang gumaganap na alien.


Sa media conference, ipinaliwanag ni Marian kung bakit ito ang napili niyang gawing serye, na may halong fantasy, after magpahinga sa paggawa ng serye.

Sabi ni Marian, “Noong unang i-present ito sa akin ng GMA, ito talaga ‘yung napusuan ko, na sabi ko ‘ay ang ganda nitong gawin.’ Kasi bago sa akin at sure ako na mapapanood ng mga anak ko. Kasi, gusto ko gumawa ng isang serye, na kayang panoorin ng mga anak ko, at magiging proud ako.”

Patuloy niya, “Sabi ko nga, ito na siguro ‘yung time sa buhay ko, na sa tuwing may gagawin ako, gusto kong maging proud ‘yung mga anak ko sa akin. Ito na nga ‘yun.

“Parang ayoko na, na hahanap pa ako ng ibang kuwento. Kasi the mere fact, na sinabi nila sa akin ito, na original ito, na nilikha ang kuwento na ito. Tapos sabi ko, parang may magandang aral na mapupulot ang mga batang makakapanood nito, parang wala akong karapatan, or wala akong ni katiting na nasa isip ko, na tanggihan talaga.”

Ayon pa kay Marian, masasabi niya na ang role niya rito ang pinakamadali sa lahat ng nagawa niya.

“Bukod kasi sa maganda ito, sa sobrang dali, wala akong lines, kasi nga alien ako,” ang natatawang sabi pa ng misis ni Dingdong Dantes.

“Sabi ko nga kay Direk, mas mahirap pala na walang lines, kaysa nagsasalita kasi, ang hirap talaga. Hindi ka maka-react na may nangyayari, kailangan hindi ka muna mag-react, puro kamay, puro ulo.  

“Parang puro ganoon noong una, pero siyempre habang nagtatagal, nagkakaroon na siya ng pakiramdam. Nalalaman niya na kung ano ang ibig sabihin ng tao. So unti-unti nagkakaroon siya ng mga reaction,” aniya pa.

Si Gabby Concepcion ang kapareha ni Marian at puring-puri niya ang beteranong aktor.

“Napakagaang katrabaho ni Kuya (Gabby). Parang kumbaga sa pagkain, walang itulak kabigin sa kanya. Napakabait niyang katrabaho. At saka ‘yung mga moment namin, mahilig siyang mag-joke, eh.

“So, ginagawa niyang light talaga ‘yung mga pagkakataon.

“Tapos may mga pagkakataon na naa-appreciate ko siya, na pinag-uusapan namin ‘yung mga buhay-buhay namin. Nakita ko kung gaano niya kamahal ‘yung pamilya niya,  at ‘yun ang naa-appreciate ko sa kanya. Napakabuti niyang tao,” papuri pa ni Marian kay Gabby.

Mapapanood na ang serye simula sa April 1 sa GMA Prime. Mula ito sa direksiyon ni Zig Dulay. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …