Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Donny Pangilinan Belle Mariano DonBelle Star Patroller TV Patrol

DonBelle trending pagiging Star Patroller; inatake ng matinding kaba

MA at PA
ni Rommel Placente

IBINALITA nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa isang interview na malapit nang matapos ang kanilang TV series na Can’t Buy Me Love kaya naman nakakaramdam na rin sila ng separation anxiety.

Sepanx! Because just imagine it being your routine for eight (8)months, you know, waking up, seeing the same people every single day I’ll definitely miss them,” sabi ni Belle.

Pero promise ng dalawang Kapamilya stars, napakarami pang mangyayaring pasabog sa serye na ikagugulantang ng mga manonood.

Sa mga next episode ay sandamakmak na twists and turns ang dapat abangan ng mga DonBelle fan.

Samantala, naging isa sa top trending topic sa social media ang Kapamilya phenomenal loveteam habang nagbabalita ng showbiz news sa Star Patrol. Yes, naging guest Star Patrollers sina Donny at Belle sa newscast ng ABS CBN.

Masasabing makasaysayan ang guesting ng DonBelle sa news program dahil sila ang first Kapamilya loveteam na nag-anchor ng Star Patrol.

Aminado si Belle na talagang inatake siya ng matinding kaba nang sumalang sa newscast pero super grateful siya na nabigyan ng chance na maging Star Patroller.

In fairness naman, nabigyan ni Belle ng justice ang ibinigay na assignment kaya nga ang request ng fans, sana’y maulit pa ito ng maraming beses.

Para naman kay Donny, “Sobrang grateful lang kami, sobrang blessed. These types of opportunities, we really don’t take for granted.

“Some may say na guesting lang ‘yan! ‘Pag first time namin nagagawa ‘yung isang bagay, nakae-excite and it also adds to our experience,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …