Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PREMYADONG AKTRES JACLYN JOSE, NATAGPUANG WALANG BUHAY, IMBESTIGASYON NAGPAPATULOY  
Coco, Cherry Pie agad nagtungo sa bahay

030424 Hataw Frontpage

ni ED DE LEON 

NATAGPUANG walang buhay ang batikang aktres na si Jaclyn Jose sa kanyang tahanan sa Quezon City, kahapon (araw ng Linggo) 3 Marso 2024.

Kinompirma ito ng management ng 59-anyos aktres, ang PPL Entertainment Inc., na nag-release ng statement ukol sa malungkot na balita.

Humihingi ng panalangin ang pamilya Guck at Eigenmann gayondin ang pagrespeto sa kanilang privacy sa pagkamatay ni Jaclyn.

Ayon sa inilabas na statement ng PPL, “It saddens us to inform everyone of the untimely passing of Miss Jaclyn Jose (real name Mary Jane Guck).

“More details will be shared as soon as they are available.

“The Guck and Eigenmann families are requesting for everyone to please pray for the eternal repose of Miss Jaclyn Jose and for them to be allowed the respect and privacy to mourn her passing, and navigate these difficult times.

Wala pang inilalabas na detalye ang pamilya ukol sa tunay na dahilan ng pagkamatay ni Mary Jane Santa Ana Guck (tunay na pangalan ni Jaclyn).

Sa pangangalap ng detalye ng HATAW D’yaryo ng Bayan, naispatan ang mga agad nagtungo sa tahanan ni Jaclyn at habang nagtatanong-tanong sa nangyari, nakita ang pagdating nina Coco Martin at Cherie Pie Picache. Kasamahan ng veteran actress sina Coco at Cherie Pie sa kasalukuyang nilalabasan nitong action-serye, ang FPJ’s Batang Quiapo.

Base sa kuwentong nakalap (habang hinihintay pa rin namin ang report mula sa SOCO),  mag-isa sa bahay si Jaclyn dahil day off ng yaya nito noong Sabado. Ang yaya ang unang nakakita sa katawan ni Jaclyn nang magbalik kahapon, Linggo at sinasabing maitim na ang katawan ng aktres.

Si Jaclyn ay isa sa itinuturing na pinakamahusay na aktres sa industriya na naging mukha ng mga classic teleserye at pelikula. Inilunsad siya sa pelikulang Chicas at Private Show noong 1984. At taong 2016, kinilala siya bilang kauna-unahang Filipina actress na nagwagi ng Best Actress award sa Cannes Film Festival sa kanyang natatanging pagganap sa pelikula ni Brillante Mendoza, ang Ma’ Rosa.

Bukod sa pelikulang White Slavery ni Lino Brocka napansin din ang galing ni Jaclyn sa mga seryeng Mula sa Puso at Nagsimula sa Puso.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …