Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino Boy Abunda Bimby Josh

Kris initsapwera sina James at Ipe, Josh at Bimby ‘di inihabilin

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI namin malaman kung humihingi ba ng awa si Kris Aquino at ngayon ay binubuksan na niya sa publiko na malala na ang kanyang sakit at baka nga raw ang nakaraan niyang birthday ay siya na niyang huli sa kanyang buhay. Ibinilin na rin niya ang kanyang mga anak sa kanyang mga kapatid at maging kay Boy Abunda na ninong ng anak nila ni James Yap

Kakatuwa pero hindi naisipan ni Kris na ipagbilin ang kanyang mga anak sa ama ng mga iyon. Buhay naman si James at may kakayahang suportahan si Bimby pero talagang inilayo niya ang bata sa ama niyon. Maski nga noong mag-artista iyon iginiit niyang ang gamiting pangalan ay Bimby Aquino at hindi Yap na siya sanang tama. Maaari naman niyang ibilin ang kanyang panganay sa tunay na ama niyong si Phillip Salvador at siguro naman ay hindi iyon tatanggihan ni Kuya Ipe.

Dumadaing na siyang nahihirapan pero iginigiit pa rin niyang buo ang kanyang pananampalataya sa Diyos at sa mga dumadalangin para sa kanya.

Subali’t ang isang taong tunay na nananampalataya at umaasa sa awa ng DIyos ay hindi kailanman nagrereklamo sa mga sakit na kanyang nararanasan. Hindi na siya dapat dumaing at tanggapin niyang kung ano man ang kalooban ng Diyos iyon ang pinakamaganda para sa kanila.

Pero ang laki na ng kaibahan ng pagsasalita niya ngayon kaysa noong araw na kasagsagan ng kapangyarihan ng mga dilaw sa ating bansa. Noon ang tono ni Kris kung ano ang gusto niya siyang masusunod. Ngayon para na siyang isang taong wala nng magagawa sa kanyang buhay.

Pero sa totoo lang mas maganda kung hindi na lang muna magsasalita si Kris, hindi na muna siya makikipagsabayan sa mga issue, after  all may sakit na nga siya at hindi na niya alam kung hanggang kailan pa siya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …