Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gun Fire

2 brgy. tanod sugatan sa pamamaril ng riding-in-tandem

KASALUKUYANG nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang dalawang barangay tanod matapos pagbabarilin ng mga lalaking magkaangkas sa motorsiklo sa San Miguel, Bulacan kamakalawa, Miyerkules ng gabi.

Sa ulat na ipinadala kay Police Colonel Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang mga biktima ay kinilalang sina Noli Ramos y Flores, 40, naninirahan sa Sitio Balucok, at Pascual Aquino y Galicia, 62, na residente naman ng Sitio Balucok 2, parehong sa Brgy. Sta. Ines, San Miguel, Bulacan at kapuwa barangay tanod ng naturang barangay.

Ayon sa ulat mula sa San Miguel MPS , ang dalawang biktima ay pinaulanan ng bala ng dalawang hindi pa nakikilalang riding-in-tandem na naganap bandang 6:30 ng gabi sa Sitio Balucok, Brgy. Sta. Ines, San Miguel, Bulacan. 

Lumabas sa imbestigasyon na ang mga biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan kaya agad isinugod sa pagamutan para sa emergency medical treatment. 

Napag-alaman na matapos isagawa ang krimen ay mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi pa malamang direksiyon na sentro ngayon dragnet operation at police manhunt. 

Sa pagsisiyasat ng mga tauhan ng San Miguel MPS, ang mga biktima na gumaganap ng kanilang tungkulin bilang mga barangay tanod, habang sakay ng isang kolong-kolong tricycle at nasa kahabaan ng kalsada sa Sitio Balucok, Brgy. Sta.Ines ay biglaang pinaputukan ng baril kung saan nagtamo sila ng mga tama ng bala. 

Ang biktimang si Noli Ramos na nagtamo ng maraming tama ng baril ay inilipat sa PJG Hospital sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, habang ang isa pang biktimang si Pascual Aquino na nagtamo naman ng isang tama ng bala sa kanang ibabang bahagi ng paa ay nilalapatan ng lunas sa Emmanuel Vera hospital. 

Kasunod nito ay hiniling ng San Miguel MPS sa SOCO team na iproseso ang pinangyarihan ng krimen, habang nagsasagawa sila ng backtracking ng mga kuha ng CCTV para malaman ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …