Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Donny Pangilinan Maricel Laxa

Donny hindi nagpakabog sa inang si Maricel

NATURAL actor si Donny Pangilinan.

Iyan ang ipinakita niya sa latest movie niyang GG o Good Game, kasama ang nanay niyang si Maricel Laxa, gayundin sina Baron Geisler, ang tropang Tokwa’t Bad Bois nina Gold Aceron, Igi Boy Flores, Johannes Risler at Ice Box (big reveal!).

Kasama rin sina Christian Vasquez, Kaleb Ong, Boots Anson-Roa and Ronaldo Valdez.

Akala namin ay all-out sport movie ito, pero maaaliw kayo sa twist ng movie kaya saludo kami kay direk Prime Cruz sa kung paano niya ito nagawa.

Wala kang itulak-kabigin sa husay ng mga artista. Alam nila ang kanilang mga assignments kumbaga.

But this is Donny’s movie. Ibang klaseng Donny ang mapapanood ninyo lalo’t real-life mother niya ang kaeksena sa mga ‘dramatic scene’ na tatagos sa inyong mga puso.

Tunay ngang galing sa angkan ng mga artista si Donny. And yes, never na kinalawang sa pag-arte ang award-winner na si Maricel lalo na sa mga non-speaking moments.

Ay basta, mae-excite kayo sa mga game and competition na sinalihan ng tropang Tokwa’t Bad Bois, and at the same time ay maaantig kayo sa klase ng friendship nila at hahagulgol naman sa mga pampamilyang tagpo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …