Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aiko Melendez Candy Pangilinan

Aiko at Candy nagka-ayos na

MA at PA
ni Rommel Placente

NAGKAAYOS na pala ang magkaibigang Aiko Melendez at Candy Pangilinan

Matagal na silang may hindi pagkakaunawaan, na alam ng mga malalapit nilang mga kaibigan. Pero ang maganda sa kanila, hindi sila nagsalita o naglabas ng galit sa isa’t isa sa social media. Kumbaga, hindi nila ‘yun isinapubliko. Pero heto nga’t okey na ang dalawa, naayos na nila ang gusot nila.

Base  nga sa social media post ni Aiko, sinabi niya na matagal na silang okay ni Candy, hindi lang nila ina-announce.

At bilang suporta kay Candy gayundin sa magkapatid na Janice at Gelli de Bellen, at Carimina Villarroel, na mga kaibigan niya rin, nag-post si Aiko at nag-imbita na panoorin ang movie ng apat, ang Road Trip, na showing na ngayon sa mga sinehan.

Sabi ni Aiko, “Congratulations on your movie mga mare Carmina Villarroel Legaspi, Gelli Rivera, @Candiva lacrofasia and ate SuperJanice de Belen. You know in every friendships you go through tough times too, But in the end what matters is the love and respect. Candy and I chose to keep quiet with what we went through, because we just needed time and healing. And also in our hearts we know in the end our friendship will remain, etched in my heart! Hindi matatawaran ang pinagsamahan namen. Again Goodluck! And will be supporting your movie. Matagal na po kami ok. We just felt that there is no need to explain or expound kasi mahal ko yan si Candy.

“So watch nateng sabay sabay!!! Sa susunod kumpleto na kami. Showing na po let’s show our support by grabbing tickets! This film is directed by our dear friend too @andoyr1973. Maki road trip na tayo!!!”

Nag-reply naman si Candy sa post na ito ni Aiko, at nagpasalamat.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …