Saturday , November 16 2024
Daniel Padilla Dubai

Daniel lumipad ng Dubai umiiwas sa panunuya

HATAWAN
ni Ed de Leon

NABALITANG lumipad nga si Daniel Padilla patungo sa Dubai, at nag-iisa lang naman siya. Siguro nga ay sinasamantala muna ni Daniel ang panahong wala siyang kailangan pang haraping trabaho dahil alam niyang basta nagsimula na naman iyan wala na siyang panahon. Hindi rin naman siguro natin maikakaila ang katotohanang umiiwas muna siya sa mga hindi magagandang salita na ibinabato sa kanya simula nang mag-split silang dalawa ni Kathryn Bernardo.  Iyon kasing KathNiel, o ang kanilang relasyon ay hindi lamang sa kanilang dalawa kundi naging isang public concern, kaya ang kanilang split ay naging napakasakit din hindi lamang sa kanila, at mga miyembro ng kanilang pamilya at mga kaibigan kundi sa publiko rin sa kabuuan noon.

Bagama’t sa maraming pagkakataon napatunayan nilang hindi na nga sila mag-syota pero hindi naman sila magka-away, hindi sapat ang nakikitang ganoon ng publiko para mabawasan man lang ang kanilang lungkot at ang nasisisi nang husto ay si Daniel, dahil siya nga ang nakagawa ng pagkakamali na siyang dahilan para magdesisyon si Kathryn na dapat na silang maghiwalay.

Maraming naging sakripisyo si Kathryn dahil sa kanilang pag-iibigan. Natiwalag pa iyon sa sekta ng relihiyon na kanyang kinaaaniban dahil sa pakikipag-relasyon kay Daniel. Pero maging ang mabigat na bagay na iyon ay hindi niya iniangal.

Talagang napuno na lang si Kathryn nang may nagpunta sa kanya at umamin na may nangyaring milagro sa kanila ni Daniel. 

Palagay namin may milagro mang nangyari kung hindi na iyong babae mismo ang nagpunta kay Kathryn at inamin pa iyon, baka kahit na may tsismis palampasin pa iyon ni Kathryn dahil sa pagmamahal niya kay Daniel Pero nang ang mismong babae na nga ang umamin sa harap ni Kathryn, ano nga ba ang inaasahan ninyong reaksiyon? 

Nakakuwentuhan nga namin ang isang kaibigan naming lalaki tungkol sa mga bagay na iyan, at sabi nga niya, “Mabait na rin si Kathryn. Siguro kung ako iyon na may isang lalaking lalapit sa akin at sabihin sa aking, ‘sorry pare dahil naka-over night stand ko ang syota mo. Lasing kasi kami noon eh.’ Aba hindi lang ako makikipag-split sa syota ko malamang sa hindi masapok ko ang lalaki o kung mas tinamaan ako ng init ng ulo baka mabaril ko pa. Hindi ko ma-imagine masakit ang ganoon pare at lalaki pa tayo ‘di lalo na kung sa isang babae mangyari iyon. Mabait na rin si Kathryn dahil ang pinaka-mababang iisipin mo roon ay maaaring nasampal niya iyong babae o nasabutan man lang niya. Pero wala siyang ginawang ganoon inisplitan lang niya si Daniel na dapat lang naman,” opinion ng isa naming kaibigan.

Sa nangyayari sa ngayon mukha ngang walang ibang masisisi kundi si Daniel, “kasi hindi lang naman nangyari iyan sa “Landiniel” sabi ng fans ‘kundi sa iba pa rin.”

Bakit niya sinyota si Kathryn kung hindi rin naman pala siya kuntento sa isa? Bakit pa siya nakipag-syota kung hindi rin naman pala niya kayang maghintay hanggang sa makasal sila?” sabi pa ng isang masugid na fan nila.

Talagang walang choice si Daniel kundi takasan muna sandali ang mga ganyang sentimyento dahil kung hindi, ano nga ba ang matinong maikakatuwiran niya? 

About Ed de Leon

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …