Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maricel Soriano Eric Epy Vandolph Boy 2 Quizon

Maricel balik sa pagpapatawa

MA at PA
ni Rommel Placente

BALIK-SITCOM si Maricel Soriano kasama ang itinuturing niyang parang tunay na mga kapatid, ang Quizon brothers na sina Eric, Epy, Vandolp, at Boy 2 Quizon

Ani Maricel tinanggap niya ang sitcom, “Eh kasi nga, kasama ko sila (Quizon brothers). Gusto ko silang kasama. Wala akong choice, kasi mga kapatid ko sila,” ang natatawang sabi ni Maricel.

Lagi kaming may mga pinag-uusapan. Pero hindi nawawala ‘yung pagkain,” ang natatawang sabi uli ng award-winning actress.

Kilala si Maricel bilang mahusay sa drama at mahusay ding magpatawa. Pero kung papipiliin, mas gusto niyang gumawa ng sitcom o comedy film.

Masaya kasi sa comedy,” katwiran ng Diamond Star.

Sinabi naman ni Eric na ang kanilang sitcom ay, “May reference talaga sa coffee. Kumbaga, ang istorya nito, ‘yung tatay namin, si Don Julio Liberica, ‘yung pinaka-unang nagbenta niyon sa tunay na buhay.

It is also a situational comedy. Actually, noong una, kami lang apat ang alam kong magkakapatid, tapos nalaman namin, si Vandolp kapatid din namin, na itinago,” kuwento pa ni Maricel.

Ayon pa kay Eric, may aral na mapupulot ang televiewers sa kanilang sitcom.

Mga magkakapatid kami and we have our differences, kumbaga, mayroon kaming mga kanya-kanyang pag-iisip, kanya-kanyang pag-uugali, kanya-kanyang gusto. Minsan hindi kami nagkakasundo-sundo, pero ang pagiging pamilya at kapatid, ‘yun ang mananaig sa amin.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …