NAKAKUHA ng pinakamaraming award ang tinatawag ng marami bilang biggest historical film of the new decade sa ika-49 Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal. Ibinabahagi ang istorya ng tatlong paring martir ng kasaysayan, ang pelikulang GOMBURZA na nanalo ng 2nd Best Picture, Best Actor Award, Best Director Award, Best Cinematography, Best Production Design, Best Sound Design, at ang espesyal na Gawad Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award – isang patunay kung gaano kapaborito ito ng mga kritiko at manonood.
Ang aktor na gumanap bilang Fr. Jose Burgos na si Cedrick Juan ay naluha nang tanggapin ang parangal bilang Best Actor habang nagpapasalamat sa mga taong nagtitiwala sa kanya at sa mga teatro na tumulong sa kanya na maging mahusay na aktor.
Tinanggap naman ni Direk Pepe Diokno ang Best Director award at nagpasalamat sa suporta ng lahat ng tumulong sa kanya na gawing isang makabuluhang pelikula ang GOMBURZA na nagbigay ng mas malalim na paliwanag sa kung paano nabuo ang nasyon mula sa pakikibaka at sakripisyo nina Padre Mariano Gomes, Jose Burgos, at Jacinto Zamora.
Nominated din sina Dante Rivero at Enchong Dee sa Best Supporting Actor award para sa kanilang pagganap bilang Padre Gomes at Padre Zamora.
Ang pagganap ng tatlong bida sa GOMBURZA, kasama ang angking galing ni Direk Pepe sa visual storytelling, ay nagdulot ng magandang feedback mula sa mga manonood dahil sa makabagbag-damdaming paglalarawan ng kasaysayan, nasyonalismo, at katapangan ng ‘Los Filipinos.’
Ang tagumpay ng GOMBURZA sa ika-49 Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal ay nagpapatibay hindi lang bilang cinematic gem kundi bilang isang pagbibigay-pugay sa makulay na kasaysayan ng bansa at sa dedikasyon ng tatlong pari para sa kanilang pangarap para sa pagkakapantay-pantay at katarungan.
Damhin ang mensahe ng GOMBURZA at alamin kung bakit nag-aalab ang interes ng mga tao para mapanood ang pelikulang ito. Ito ay mapapanood sa mga sinehan hanggang Enero 7.
Samantala, inamin naman ni Ms Vilma Santos na hindi niya ine-expect na siya ang tatanghaling Best Actres para sa pelikulang When I Met You In Tokyo. Tinalo niya sa laban sina Eugene Domingo(Becky & Badette), Pokwang (Becky & Badette), Sharon Cuneta (Family of Two), Beauty Gonzalez(Kampon), at Marian Rivera (Rewind).
“Hindi ko po ine-expect ito. Ang adbokasiya lang namin po talaga when we did ‘When I Met You In Tokyo’ is not even the Best Actress or the Best Actor, we just wanted to do a simple love story at sa edad po namin,” naiiyak na panimula ni Ate Vi.
“Pero ang talagang adbokasiya po namin ay maging successful ang Metro Manila Film Festival.
“And at the same time, mabalik po sana ‘yung mga tao sa sine. ‘Yun po ang aming inasam-asam, ‘yun po ang dream namin.
“Ang inasam-asam ko rin po sana kumita ‘yung movie namin para naman po sa mga bagong producers na tumaya po sa aming dalawa ni Christopher de Leon para, mas mag-produce pa kayo ng marami po ang mabigyan ng trabaho,” tuloy-tuloy na sabi ng Star for All Seasons.
“With this 10 movies that are showing right now with Metro Manila Film Festival, bumabalik po ang mga sa sine, sana po magtuloy-tuloy.
“Dahil ito ang kailangan ng ating industriya, ang ma-appreciate po nila ang makasama po nila ang kanilang pamilya, family bonding and I think it is happening now, sana po magtuloy-tuloy,” sambit pa ng veteran actress.
Narito ang buong listahan ng mga nagwagi sa MMFF 2023:
Best Sound
GomBurZa
Best Musical Score
Mallari
Best Original Theme Song
Finggah Lickin (Becky And Badette)
Best Visual Effects
Mallari
Best Production Design
GomBurZa
Best Editing
Kampon
Best Cinematography
GomBurZa’l
Gender Sensitivity Award
Becky And Badette
Gatpuno Antonio Villegas Memorial Award
GomBurZa
FPJ Memorial Award for Excellence
When I Met You in Tokyo
Best Screenplay
Firefly
Best Director
Pepe Diokno – GomBurZa
Best Supporting Actor
JC Santos – Mallari
Best Supporting Actress
Miles Ocampo – Family Of Two
Best Actor
Cedrick Juan – GomBurZa
Best Actress
Vilma Santos – When I Met You in Tokyo
4th Best Picture
When I Met You in Tokyo’l
3rd Best Picture
Mallari
2nd Best Picture
GomBurZa
Best Picture
Firefly