ni Ed de Leon
HINDI lang ang mga matatanda ang nakararanas ng depression. May isang male artist na umamin na dahil daw sa mga nangyayari sa kanyang buhay ay depressed na siya. BIktima ang male artist ng mga mapagsamantalang buwaya sa showbusiness. Nabobola siya ng mga baklang akala niya ay makatutulong para siya sumikat, pero ang totoo ay pinagsasamantalahan lang naman siya.
BIktima rin siya ng mga gumagawa ng mga serye sa internet na kinukuha siyang artista tapos ay hindi naman mababayaran dahil sasabihing hindi iyon kumita. Iyon ang dahilan kung bakit siya sumasabit sa mga bading na nakakakursunada sa kanya kaso oras na pagsawaan na siya iiwan na lang siya at sukat. Hindi siya makapalag dahil takot siyang ilabas ng mga iyon ang “resibo” ng kanilang relasyon na basta lumabas tapos na rin ang kanyang ambisyon.
Delikado iyan. Iyang depression ang sinasabing karaniwang dahilan ng suicide. Maraming kaso sa bansang Korea na mga sikat na artista, nagkakaroon ng depression at ang kasunod na mababalitaan na lang ay natagpuan silang bangkay na sa loob ng sarili nilang tahanan.
Kaya nga dapat na iwasan ang anumang maaaring pagmulan ng depression. Kasabihan na nga, “don’t worry, be happy.”