Saturday , May 10 2025

Pasko noong pandemic mas mainam kaysa ngayong Pasko 2023

YANIG
ni Bong Ramos

MARAMING kababayan natin ang nagsasabing mas mainam at magaan pa raw ang Pasko noong panahon ng pandemic kaysa ngayong Pasko 2023 na talagang naramdaman nila ang hirap ng pamumuhay sa lahat ng aspekto.

Kung kailan pa anila nagbalik na sa normal ang kalakaran at takbo ng buhay ay saka pa raw bumigat ang dating ng pera at kalakalan.

Nandyan na anila ang biglaan at sobrang pagtaas ng presyo ng mga prime commodities tulad ng pagkain, gasoline, at halos lahat ng kalakal sa merkado.

Bukod dito, sunod-sunod din ang dating ng mga natural calamities tulad ng bagyo, lindol at iba pang disaster lalo sa Visayas at Mindanao.

Dumagdag pa rito ang usapin ng soberanya sa West Philippine Sea (WPS) na inaangkin ng China. Tayo pa kasi ang lumalabas na intruder at nagte-trespass sa ating sariling teritoryo.

Nandiyan na s’yempre ang ginagawang harassment ng ‘kapitbahay na Asyano’ partikular sa ating mga mangingisda na binigyan ng hangganan at limitasyon sa kanilang paglaot sa sariling dagat.

Ultimo ang paghahatid ng supplies at pangangailangan ng ating mga sundalong nagbabantay sa Ayungin Shoal ay kanilang hinadlangan.

Umabot na sila ay harangin, bombahin ng water-cannon, gamitan ng laser-beam hanggang banggain ang kanilang barko at bangka.

Pati sa sarili nating produktong pang-agrikultura tulad ng sibuyas, kamatis at bigas ay pinasan natin dahil sa sobrang taas ng presyo nito sa merkado.

Mantakin ninyong dumating pa sa puntong ini-smuggle at pinalulusot na rin sa Bureau of Customs ang sibuyas na tipong inaangkat na sa ibang bansa, tsk tsk tsk…

Ang ating mga balikbayan na imbes mga tsokolate, sigarilyo at alak ang ipinapasalubong sa kanilang pamilya at mga kaibigan ay sibuyas na lang ang hina-harimonang ipalusot sa kanilang hand-carry baggage dahil nga sa sobrang mahal nito.

Mabigat na ininda rin natin ang problema sa ilegal na droga (shabu) dahil napag-alaman na mismong mga pulis ang nagpupuslit at nagre-recyce sa mga lansangan.

Tone-tonelada ang pinalulusot nitong shabu na bilyong piso ang halaga na para bang ang target ay suplayan ang lahat ng barangay sa National Capital Region (NCR).

Sobrang walanghiya na ginawa pang pamato ang higit-kumulang sa 10,000 tao na kanilang pinatay matapos akusahang mga user at pushers, kawawa po naman ang ating mga kababayan, ‘di po ba?

Maliban sa pandemic sanhi ng Covid-19, walang ganitong problema noong mga panahong iyon kung kaya’t mapayapa’t tahimik at masaya ang sambayanan kung ikokompara sa normal na panahon ng Pasko 2023.

Naging dahilan din nito ang madalas na lockdown at trabaho na hanggang sa kasalukuyan ay problema pa rin naman na mas lalo pa yatang tumindi.

Motibo ang seguridad sa ating  kalusugan kung kaya’t estriktong ipinatutupad ang pagsusuot ng facemask at social distancing.

Sa kabila ng lahat ay wala naman naging problemang masyado sa kabuhayan dahil sustentado ng gobyerno ang lahat (o baka ang iilan?).

Normal na ngayon ang situwasyon, dapat sana ay masaya at mapayapa tayo dahil malaya at nakakikilos na sa ating mga sarili.

Ipagpatuloy natin ang tulungan at bayanihan na naging mahalaga noong panahon ng pandemic kung kaya’t ito ay ating nalampasan.

Isang Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa ating lahat at pasalamatan natin ang Poong Maykapal sa lahat-lahat.

About Bong Ramos

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Benhur Abalos: Lumalakas sa survey, may malinaw na plataporma

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PINAKAHULING Social Weather Stations survey, si dating Department of the …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mapayapa at maaayos na NLE25, puntirya ni QCPD OIC Col. Silvio

SA LUNES NA, Mayo 12, 2025, daragsa sa mga polling precinct amg milyon-milyong botante upang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Endoso ni VP Sara kina Imee at Camille, wa epek

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI rin umepekto ang pag-endoso ni Vice President Sara Duterte kina …

Firing Line Robert Roque

Ano na ngayon ang tingin ng mga botante kay Pulong?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINABI ni Congressman Pulong Duterte na ipapa-“authenticate” niya sa …

Sipat Mat Vicencio

FPJ Panday Bayanihan Partylist para sa mapayapang halalan

SIPATni Mat Vicencio ILANG araw na lang at tuluyan nang magdedesisyon ang taongbayan kung sino …