PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
ANG bongga ng Parade of Stars last Saturday.
Very colorful and festive ang lahat ng sampung floats na umikot sa Camanava areas.
Very pink and Japanese-inspired ang When I Met You in Tokyo entry at maiinlab ka naman talaga sa disenyo nito. May recorded voice si Vilma Santos habang umaandar ang float with Boyet de Leon and the rest of the cast enjoying people’s reactions.
Marami ang sumisigaw ng name ni Ate Vi na nagpapagaling pa rin sa kanyang karamdaman kaya hindi ito naka-join sa parada.
Bongga rin ang float ng Mallari at effective ang medyo dark color nito sa tema ng movie na nakahihindik. May malaking mukha ng bata naman ang Kampon na nakatatakot ang aura.
Kyut ‘yung sa Firefly at Broken Hearts Trip. Parang mga nasa canvas sa dami ng kulay.
Aliw din ang marami sa float nina Sharon Cuneta at Alden Richards. Literal din silang pinagkaguluhan ng marami.
Lahat naman ng floats ay magaganda, but for us, siyempre, the best ang float ng When I Met You in Tokyo. Need I say more.