Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tony Labrusca

Tony Labrusca nasayang ang career

MARAMI ang nakakapansin mukhang tahimik daw ngayon si Tony Labrusca. Noong nagsisimula pa lang ang career niya, napakaingay ng kanyang dating, todo push ang ibinigay sa kanya ng kanilang network sa pag-aakalang siya nga ang kanilang next big star.

Pero nagkaroon ng mga problema. Una nakipag-away siya sa immigration officer sa airport at naging nega ang dating niya. Tapos nagkaroon pa siya ng kaso nang malasing at masabit sa gulo sa isang party. Nagkademandahan at babae pa naman ang complainant. Na-dismiss naman ang kaso pero malabo ang naging dating niya sa publiko. Masama pala siyang malasing.

Tapos nagpa-sexy pa siya agad, hindi naman pala niya maitutuloy. Kaya nagpa-sexy na siya nabantilawan pa ang kanyang career. Iyan kasing pagpapa-sexy basta sinimulan mo, tuluyan mo na dahil pagkatapos niyon laos ka na. Sino ba namang sexy star ang tumagal talaga ang career sa PIlipinas?

Ang pinakamatindi pa, nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN at milyon ang nalulugi sa kanila araw-araw, maaasahan pa ba ninyong masusuportahan nila ang pag-build up kay Tony eh, wala na silang estasyon at para mabuhay ang kanilang pangalan, nagbabayad pa sila ng blocktime sa ibang networks.

Sayang iyang si Tony, maganda pa naman sana ang pasok niya sa showbusiness.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …