Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
daniel padilla

Daniel tuloy ang pagtulong sa mga kabataan

REALITY BITES
ni Dominic Rea

MARAMI pa rin ang hindi maka-move-on sa hiwalayang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Isang pag-iibigang after 11 years ay napunta sa pinag-usapang pagkabiyak ng puso nina Daniel at Kathryn lalo ng kanilang fans and followers dito sa Pilipinas at sa buong mundo.

Kung ano-anong memes ang naglabasan patungkol sa dalawa na sa totoo lang ay wala na talaga tayong magagawa kundi ang tanggapin ang katotohanang chapter closed na nga ang KathNiel.

Sa puntong ito ay hindi na po mahalaga sa akin ang kung ano-ano pang tsika patungkol sa hiwalayang ito. Ang mahalaga sa akin ay ang patuloy na pagbibigay saya, tulong at haplos ng pagmamahal ni Daniel sa mga kabataang kanyang tinutulungan for almost a decade. 

Ang walang kupas na pagbibigay aruga sa isang foundation para sa mga batang naging inspirasyon ng karamihan simulang kumikita si Daniel.

Alam kong hindi ito susukuan ni Daniel dahil minana ni DJ ang lambot ng puso sa kapwa ng kanyang inang si Karla Estrada

‘Yan si DJ. Tuloy ang buhay. Tuloy ang karera. Walang panahon sa mga panghuhusgang ginagawa sa kanya ngayon. Matatapos din at lilipas din ang lahat at malalampasan din ni DJ ang lahat.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …