ni Ed de Leon
UNTI-UNTING kumakalat ang mga video scandal ng isang male starlet na bahagi umano ng collection ng isa niyang dating gay friend. Hindi mo naman masisi ang gay friend. Kasi noong panahon nila ay binola siya ng male starlet at pinagkagastahan naman niya iyon ng todo.
Tapos natuklasan niyang iyon ay nakakita ng isang mas mayamang bakla, niloloko naman niya iyon na sa ngayon bale wala na si gayfriend. Ganoong noong araw basta wala siyang pera, kay gayfriend siya lumalapit and chances ipinagkakaloob niyon sa kanya hindi lamang ang buong puso kundi pati buong pitaka.
Noon naman pala kinunan ng gayfriend ang kanilang mga intimate moment ng mga picture at video na hindi naman dahil sa gusto siyang siraan kundi katuwaan lang.
Eh ngayong na-offend si gay friend dahil sa kanyang ginawa, ipinakikita niyon sa mga tao ang kanilang pictures at videos para sabihing oo nga iniwan siya ng male starlet pero bago naman siya naiwan ay nakuha na niya ang lahat mula roon at wala nang maipagmamalaki iyon o maging ang kanyang sugar gay sa bading na una niyang nasamahan.
“Hindi ko siya ibinili ng kotse. Hindi ko siya dinala sa abroad pero hindi mo masasabing hindi ko nakuha kung ano ang gusto ko sa kanya. Nakuha ko na iyan lahat bago pa siya nagkaroon ng sugar gay,” sabi ng gayfriend.