Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda

Vice Ganda nagpa-powertrip

HATAWAN
ni Ed de Leon

MASYADO na bang powerful, o matindi ang power trip ni Vice Ganda at ng mga troll niya? Nagsimula lang naman ang power trip nila noong nag-mass reporting ang kanyang mga troll at nagipit nila ang blogger na si Rendon Labador na naalisan ng account sa social media. Sinubukan din nila ang style na iyan laban kay MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) Chair Lala Sotto pero walang nangyari sa kanila.

Ngayon naman may petisyon sila laban kay Cristy Fermin dahil sa sinabi raw noon laban kay Vice at gusto nilang patalsikin na iyon ng TV5 sa kanilang estasyon.

Hinanap namin ano ba ang sinabi ni Cristy? Sabi niya ikaw Vice hindi ka naman babae, nagpapanggap ka lang na isang babae. Eh hindi ba talaga namang hindi babae si Vice sa kanyang mga dokumentong legal. Siya si Jose Mari Viceral, at ang gender niya ay male. Sa kanyang mga show nakadamit babae siya at may suot na wig at umaarteng tila babae. Kung tawagin pa siya ng mga alagad niya ay “meme” pero maikakaila ba nila na sa katotohanan ay lalaki siya? May asawa siya sa abroad dahil hindi naman kinikilala sa Pilipinas ang same sex marriage hanggang ngayon, pero kilalanin man iyon, hindi pa rin siya maituturing na babae. Wala siyang matris at hindi maaaring magbuntis. Eh ano ang masama kung ipamukha sa kanyang lalaki siyang nagpapanggap lamang na babae? Ano ba ang gusto nilang palabasin bukod siyang pinagpala sa baklang lahat at hindi nangpapanggap lamang na babae?

Batayan ba iyon para hilingin mo sa isang kompanya na paalisin ang kanilang tauhan na nagsasabi naman ng totoo?

Sobra na ang power trip nila, pataasin muna nila ang ratings nila para sila paniwalaang may malakas na puwersa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …