Thursday , June 4 2026
Gretchen Barretto Dominique Cojuangco

Greta magiging lola na, ipagmalaki rin kaya?

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGKAKATAWANAN nga noong isang araw, isipin mo si Gretchen Barretto na ang tingin mo ay parang dalaga pa, iyon pala ay magiging lola na. Buntis na raw kasi si Dominique Cojuangco na anak ni Gretchen sa long time partner na si Tony Boy Cojuangco

Ipagmalaki rin kaya ni Gretchen na lola na siya kagaya ni Ate Vi (Ms Vilma Santow)? SiAte Vi kasi talagang ipinagyayabang niyang lola na siya, dahil nasa edad na naman siya, 70, at magandang bata ang kanyang apo.

Kung iisipin mo, suwerte rin ang magiging apo ni Gretchen kung makakatuwaan niya, baka nga magmana sa mga Barretto, ‘di maganda rin. At sa yaman ba naman ni Gretchen tiyak na sunod din ang lahat ng luho ng kanyang apo. Iyang mga ganyang bata ang sinasabi ngang hindi pa man ipinanganganak ay nakatakda na ang masarap na pamumuhay.

Malalaman natin iyan basta lumabas na ang isang batang tumatawag sa kanyang lola.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …