Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jericho del Rosario

Jericho del Rosario pwedeng-pwede sa mainstream 

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGULAT kami sa sunod-sunod na post sa social media na ang sinasabi ay, “Please pray for Zeke.” Akala naming kung ano na ang nangyari kay Jericho del Rosario, ang new comer na gumaganap sa role ni Zeke sa isang internet series. Kasi kamakailan ay ikinukuwento niyang sunod-sunod na namatay ang mga lolo niya.

Hindi kilala si Jericho ng mga sumusunod sa mainstream showbusiness, dahil bukod sa nakasama siya sa isang tv series, ang sumunod niyang assignment ay puro internet series lamang, na  ang tema pa ay puro gay. Napansin namin iyang si Jericho dahil isang male star din ang nagsabi sa amin na panoorin namin siya dahil magaling daw umarte at may hitsura din naman. Ang sabi nga nila ay puwede sa mainstream. 

Napanood nga namin ang ilang episodes ng kanilang serye at mahusay ngang umarte si Jericho, at mukhang malakas nga ang batak sa fans. Katunayan mas napapansin pa siya kaysa ilang kasabayan niyang higit na nauna sa kanya.

Kuha niya ang fans eh, kaya palagay namin, kung lilipat nga iyan sa main stream, mas magiging maganda ang kanyang career, at tiyak na mas kikita rin siya ng malaki kaysa kinikita niya sa mga internet series. Sayang iyong bata kung magtitiis na lang siya sa internet series eh.

Mabalik tayo sa mga post na ‘Let’s pray for Zeke.’ Wala naman palang masamang nangyari kay Jericho kundi sa kuwento ng kanilang series, nabangga ang minamaneho niyang kotse papuntang Maynila. Natapos ang episode na ipinakita siyang nakasubsob sa manibela at duguan ang mukha. Iyon lang at nabahala na ang fans.

Marami nga ang nagsasabi, sa lakas ng dating ni Jericho, nasapawan niya ang lahat ng iba pang stars sa kanilang serye eh. Guwapo kasi at magaling umarte. Mayroon guwapo nga pero ampao naman ang arte, kaya wala rin. Mayroon may hitsura nga pero sira naman ang image, wala rin.

Kung kami ang tatanungin, sana nga makalipat na sa mainstream si Jericho del Rosario.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …