Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Roderick Paulate Maricel Soriano

Galing nina Maricel at Dick ‘di pa rin kumukupas

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

TUNAY namang grand mediacon ang ibinigay ng 7K Entertainment sa mga kapatid sa multi-media para sa pelikulang In His Mother’s Eyes.

Bago pa mag-pandemic namin huling nasaksihan ang isang mediacon na dinaluhan ng mahigit sa 100 members of the entertainment media.

Ang 7K Entertainment ang production outfit ng Maricel Soriano-Roderick Paulate- LA Santos starrer na family drama tungkol sa mag-ina at magkapatid at mga isyung kaugnay nito.

Nakakaloka ang husay ng tatlong artista base pa lang sa trailer na napanood namin. Hindi pa rin talaga kumukupas ang galing nina inay Maria at kuya Dick, pero big revelation nga si LA dahil nakasabay siya sa galing ng mga ito.

Maniwala po kayo sa amin, ibang klaseng drama ito na idinerehe ni FM Reyes at isinulat nina Gina Marissa Tagasa at Gerry Gracio.

Masusulit na ang inyong pera at panahon, makare-relate pa kayo sa ganda ng movie at husay gumanap ng mga artista.

Bukod nga kina Maricel, Roderick, at LA, kasama rin sina Ruby Ruiz, Ogie Diaz, Vivoree, Maila Gumila, at marami pang iba.

Showing na po ito ngayong Nov. 29. Kita-kits sa mga sinehan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …