Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ronnie Lazaro Robb Guinto, Micaella Raz, Vince Rillon

Ronnie Lazaro sa mga hubadero ngayon — Matatapang, ibang klase ang pagiging mapangahas

PALABAS na sa VivaMax ang ARARO na pinagibidahan nina Robb Guinto, Micaella Raz, Vince Rillon, at iba pa with the special participation of Ronnie Lazaro.

Ang anak-anakan naming si direk Topel Lee ang nagdirehe ng 4-part series na ito na may kakaibang tema tungkol sa pagpapalago ng mga tanim at kung paano itong ina-araro at inire-relate sa kuwento ng buhay ng mga bida.

I just want to experience how direk Topel tell his story in a manner na may sensuality, sex and family drama,” sey ng award-winning friend nating si tito Ronnie.

Kilala na rin ni Tito Ronnie ang pamilyang pinanggalingan ni direk Topel kaya’t sobra ang tiwala niya rito. “I know his family na galing din sa pamilya ng mga nasa industry din. I also know some of his works pati na ‘yung mga naging training niya kina Ricky Lee at iba pa,” dagdag pa nito.

Matatapang. Ibang klase ang pagiging mapangahas nila. Unlike us noong araw, obsolete na kumbaga ang nagawa namin noon kung paseksihan at kakaibang sensuality ang ipakikita. But this is I supposed a very good series. Maganda ang istorya, mahusay ang produksiyon kaya’t hindi ito ‘yung maghuhubad lang para maghubad,” paliwanag pa ni tito Ronnie tungkol sa mga kasamahang artista at mismong sa ARARO series.

Nakilala noon bilang hubadero at bombero sa movies si Ronnie, bago pa man siya naging batikan at award-winning actor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …