Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joshua Garcia Kathryn Bernardo

Joshua ‘di kagulat-gulat na maging crush si Kathryn

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI kami nagulat sa sinabi ni Joshua Garcia na ang una niyang showbiz crush talaga ay si Kathryn Bernardo. Bakit nga hindi eh talaga namang maganda si Kathryn. Iyon nga lang nang mapasok siya sa showbiz syota na ni Daniel Padilla si Kathryn at nagkataon pang magkakaibigan sila. Pero siguro kung hindi nga syota ni Daniel si Kathryn at naligawan din ni Joshua, baka naging mas ok siya kaysa naman sa naging syota siya ni Julia Barretto na bigla na lang siyang iniwan nang may makitang iba.

Matagal din naman bago nakabawi si Joshua matapos silang mag-split ni Julia. Siguro hindi naman niya matanggap agad ang masakit na katotohanan na ipinagpalit siya niyon sa iba. Obvious naman kasi na magsyota pa sila nang magkasama sa pelikula sina Gerald Anderson at Julia, at kahit na ikinaila nila noong una, naging magsyota na sila noon pa at nasagasaan na nga hindi lamang si Joshua kundi si Bea Alonzo rin.

Iyong controversy ni Bea, naging maingay nga, pero si Joshua piniling manahimik na lang at hindi na gumawa pa ng issue dahil sa nangyari sa kanila. 

Natanggap naman niya ang katotohanan na talagang nangyayari ang ganoon at wala ngang mas mabuting gawin kundi mag-move on na lang. Iyon nga ang kanyang ginawa at mas nakabuti naman sa kanya. Mas gumanda ang takbo ng kanyang career, mas tumaas pa ang kanyang popularidad.

Minsan naman ganoon eh, may dumarating na hindi maganda sa buhay ng isang tao, at tapos ay may dumarating din namang mas maganda para sa kanya. Sana nga lang magpatuloy na ang ganyang buhay para kay Joshua. Darating din ang isang araw na siguro nga mas magiging matibay ang kanyang lovelife at lalong magiging ok ang kanyang career.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …