Thursday , June 4 2026
Blind Item, Mystery Man, male star

Scandal video ni Male starlet isa-isang naglalabasan

HATAWAN
ni Ed de Leon

KABADO ang fans ng isang male starlet nang matuklasan nila na ang kanilang idolo ay totoo nga palang may itinatagong sikreto. Ngayon lang nila nalaman na may scandal video ang kanilang idolo na kumalat sa kung saan-saang gay website noong araw pa. May mga anim na taon na ngayon ang nakararaan nang unang pumutok sa internet ang video na iyon, at halos lahat noong araw ay nakapanood na o nakapag-download pa ng nasabing video. 

Pero mas masa-shock nga siguro sila kung malalaman nilang hindi lang isa iyon kundi napakarami pang sex video ng kanilang idolo at may mga picture pa habang kalampungan ang mga naka-date niyang mga bading, na nagbayad sa kanya siyempre. Kilala rin kasi ang male starlet na iyan bilang isa sa mga car fun boys sa mga watering hole sa Makati noong araw. Basta may nakakursunada sa kanya at nagkasundo sila sa presyo, sasakay na siya sa kotse ng bading at tatangayin na siya sa kung saan, minsan doon na mismo nangyayari ang milagro sa loob ng kotse.

At wala siyang angal kahit na kunan pa siya ng picture na nakahuabd, o maski na i-video siya basta magkakasundo sila sa presyo.eh paano ngayong nag-aartista na siya, kung lumabas ang mga iyon, ayos na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …