Saturday , November 23 2024
YANIG ni Bong Ramos
YANIG ni Bong Ramos

Vendors sa Blumentrit, nag-iiyakan sa tara

YANIG
ni Bong Ramos

NAG-IIYAKAN umano ang mga vendor sa buong palengke ng Blumentritt dahil ‘tara’ ng isang chairman araw-araw.

Wala raw natitira sa kanilang kita sa rami ng mga binibigyang tao sa araw-araw na ginawa ng Diyos.

Bukod sa ibinibigay sa Hawkers at DPS, nadagdag pa raw ang P60 na hinihingi sa kanila araw-araw ni chairman na siyang pinakamalaki.

Halos ang mga taong nasa likod ng nasabing mga tarang umano ang kanilang ipinaghahanapbuhay. Makapag-uwi man daw sila ay madalas na kulang o ‘di kaya’y sapat lang.

Ang chairman na kinilalang,  isang alyas Remy ang namamayagpag sa buong palengke ng Blumentritt.

Sinabi ng mga vendor, pangalawang linggo pa lang sa kanyang posisyon ngunit ramdam na nila nang husto.

Tila may basbas o blessing daw sa city hall at sa isang politiko mula sa 3rd district ng Maynila, na obvious at halatang-halata naman daw.

Hindi rin daw nila alam kung saan napupunta at pumapasok ang tarang hinihingi sa kanila dahil wala naman daw resibong iniisyu at ipinapaliwanag sa kanila. Sa notebook lang daw inililista ng mga kolektor ang koleksiyon.

Ito raw marahil ang bunga ng lumipas na barangay election na basta na lamang iluluklok sa ganitong posisyon ng mga politiko ang kanilang mga manok na chairman.

Maging ang mga pulis sa Blumentrit detachment ay nagulat din sa biglaang pagsipot ni Chairman Remy. Wala naman din daw silang magawa dahil ito ay utos umano sa taas.

Ipinagpapalagay ng marami na malamang daw na pinag-iipon lang ng pondo upang gamitin sa local elections sa 2025. May posibilidad din daw na patakbuhin bilang isang konsehal, iyon naman ay mga sapantaha lang.

Plaza Miranda at Divisoria, kalakaran ay ganon na rin

Maging sa Plaza Miranda daw sa Quiapo at Divisoria ay puro mga chairman na rin ang may hawak ng mga tarang hinihingi sa mga vendor.

Kung sa Blumentrit daw ay nag-iiyakan , dito daw sa Plaza Miranda ay matagal nang humahagulgol ang mga vendor sa taas ng tara na hinihingi sa kanila ng isang Chairman Bunny at ng kanyang mga front na desipulo.

Si Chairman Bunny, di-kaila sa atin ay dating tao ni dating Yor-Me Isko Moreno na lubos niyang pinagka-katiwalaan lalo pagdating sa koleksiyon.

Mula noon hanggang sa kasalukuyan, itong si chairman ang nakatalaga bilang OIC sa Plaza Miranda nang walang palitan. Siya ang pinakamakapangyarihan higit pa sa mga pulis na naka-detalye sa Plaza Miranda detachment.

Iba rin ang mga politiko sa atin, kapag may sinabi at may iniutos ay hindi puwedeng mabali. Saan naman kaya napupunta ang koleksiyon dito gayong wala rin namang paliwanag at resibong iniisyu.

Gayondin sa buong Divisoria, dangan nga lang at hinati-hati ito sa ilang chairman dahil sa laki at lawak ng kanyang nasasakupan.

Sa kabila ng lahat ay iisa rin ang kanilang patakaran… “pera-pera lang, puwera damdamin.” Sa panahon ngayon ay hindi na rin mawawala ang BATA-BATA system, kung saan bata nila ang uupo anoman ang mangyari.

Itinatanong ng marami nating mga kababayan kung hanggang kailan mamamayagpag at kailan mata-tapos ang kanilang mga career, minsan daw ay kalokohan na ang kasabihang ‘walang forever.’

About Bong Ramos

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …