Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paul Soriano Bongbong Marcos

Paul Soriano umalis na sa gabinete ni PBBM

HATAWAN
ni Ed de Leon

AYON sa official statement ng Malacanang, sa pamamagitan ng PCOO (Presidential CommunicationsOperations Office) nag-resign na si Paul Soriano bilang Presidential Adviser on Creative Communications. Pero nauna riyan, ang pagkawala ni Soriano sa nasabing posisyon na nauna nang lumabas nang sabihin iyon ni Senador Sonny Angara sa isang budget hearing ng senado.

Sinabi ng PCOO na wala pang kapalit si Soriano, hindi rin nila sinabi kung ano ang dahilan ng pagbibitiw nito. Si Paul ang naging director ng mga kampanya noon ni Presidente BBM, at ang asawa niyang si Toni Gonzaga na laging main performer, kasama ni Andrew E.

Nasabit ang pangalan ni Paul sa isang tourism campaign ng DOT, na gumamit umano ng mga stock shot na ang iba ay kuha pa sa ibang bansa at hindi naman sa Pilipinas, naging isang malaking issue iyon, na medyo lumamig lang nang lumabas na hindi pa naman pala binabayaran ng DOT ang nasabing commercial.

Medyo nasasangkot din siya sa ibang usapan dahil sa katotohanang inaanak siya ni PBBM at pamangkin ng first lady Liza Araneta Marcos. Isinasabit siya sa kung ano-anong usapan, at siguro nga para matahimik na rin ang kanyang buhay, tutal nakakapagdirehe naman siya ng pelikula, umalis na siya sa posisyon.

May nagsasabi ring ang trabaho niya ay mukhang duplication lamang ng functions ng FDCP (Film Development Council of the Philippines) na isang ahensiya rin sa ilalim ng Office of the President.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …