ni Ed de Leon
MINSAN talaga ang naghahangad ng kagitna, nawawalan ng isang sako.
Ipinagyayabang ng isang male starlet ang kanyang ginawang gay series na pang-internet lang naman, gusto kasi niyang bigyang diin na ‘artista na siya.’ Ibig sabihin puwede na siyang magtaas ng presyo sa kanyang sideline.
Pero maling diskarte pala iyon, dahil nang mapanood iyon ng mga prospective client niya, nakita na bano pala siyang umarte.
Pogi nga pero hindi marunong umarte talaga at mukhang wala namang kinabukasan sa showbusiness.
Tapos mas napansin pa ang bida sa gay serye,na hindi nga masyadong pogi pero magaling umarte at mas sexy at malakas ang appeal kaysa kanya. Ang nangyari hindi na siya nakapagtaas ng presyo, ang hinahanap pa ngayon ng clients niya ay ang poging bida sa gay serye na mas seksi kaysa kanya.