Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Dating matinee idol nagsa-sideline pa rin kahit hinang-hina at lasing na lasing

HATAWAN
ni Ed de Leon

AWANG-AWA kami sa isang dating matinee idol na noong araw ay sinasabing isa sa pinakasikat na young male star. Noon makita lang siya ng fans nagtitilian na. Ano man ang sabihin ng iba, pogi naman siya kasi at iyon ang naging advantage niya, sabihin mang hindi  siya ganoon

kagaling umarte at kumanta.

Malayong-malayo sa kanyang image noon ang nakita naming ayos niya noong isang gabi. Medyo late na rin iyon, nang makita namin siyang pumasok sa coffee shop ng isang upscale mall. Matapos siyang mag-order ng kape sa barista, pasalampak siyang umupo sa isang silya mukhang nanlalata na at hindi na maayos ang suot niyang damit. Halata mong lasing na siya, at napaso pa nang bigla niyang higupin ang mainit na kape. Maya-maya pinagtitinginan siya ng mga tao nang may dumating na dalawang bakla, kinausap siya at inalalayang lumabas na coffee shop at sumakay sa isang nakahintong kotse.

Iyon na iyon. Lasing na nag-sideline pa,

Ano nga kaya ang kahihinatnan ng buhay niya kung ganyan na lang siya. Nasayang kung ano man ang narating na niya sa kanyang career. Sinira na niya ang kanyang career, at ngayon sinisira naman niya ang kanyang buhay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …