Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos

Ate Vi idolo ng mga kapwa at sikat ding artista

HATAWAN
ni Ed de Leon

TINANONG ni Boy Abunda si Rio Locsin na kinikilala ring isang magaling na aktres, kung sino ang kanyang hinahangaang aktres, ang mabilis niyang sagot ay si Vilma Santos. Nang tanungin siya ulit kung sino ang palagay niyang pinakamahusay na aktres, ang isinagot niya ay si Vilma pa rin. 

Nakarating naman kay Ate Vi ang sinabing papuring iyon ni Rio at siya ay nagpasalamat. Nagkasama sila sa apat na pelikula. Si Nora Aunor ay nakasama rin ni Rio sa dalawang pelikula.

Pero hindi lang naman si Rio ang ganyan, maraming mga artistang babae ang nagsasabing ang kanilang idolo ay si Ate VI,  isa na nga rin diyan si Claudine Barretto kahit na sa totoo lang may mga kapatid siyang aktres din. At hindi nga maikakailang ang sinasabing “easy entry”ni Claudine noon sa showbusiness ay dahil sa popularidad ng kapatid niyang si Gretchen Barretto.

Maging ang aktres na si Sunshine Cruz ay nagsabi ring paborito niya si Ate Vi at hinahangaan niya lalo na ang pangangalaga niyon sa sarili kaya nga hindi siya nagmukhang matanda, gayung ang ibang kasabayan niya hukluban na ang dating. 

Sabi nga ni Sunshine, “magandang gayahin ang beauty regimen ni Ate VI,” na mukhang siya na nga niyang ginagawa kaya nga noong makita namin siya noong isang gabi mukhang hindi siya tumanda at para pa ring ang little girl sa That’s Entertainment.

May panahon ding sinasabi maging ni Sharon Cuneta na ang favorite actress niya ay si Ate Vi, at napapanood niya ang mga pelikula niyon. Aminado si Sharon na pinanonood din niya ang tv show ni Ate Vi noon na kalaban ng kanya mismong show.

Marami naman siyang kapwa artista na humahanga at nagmamahal kay Ate VI, kasi nga mahusay siyang makisama sa kanila kahit na nang makasama nila siya ay big star na siyang talaga at malaki na ang agwat ng kanilang popularidad.

Hindi ba maski si Nora nga ay umaaming tumatakas siya sa bahay nila noon sa Bicol para manood ng pelikula ni Ate Vi? At hindi ba aminado rin siyang, “Noon crush ko iyan.”

Iba talaga ang dating ni Ate Vi eh.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …