Saturday , November 16 2024
PADAYON logo ni Teddy Brul

 ‘Tunggalian’ sa PNP

PADAYON
ni Teddy Brul

KUMALAT na parang apoy ang magkatunggaling impormasyon sa social media at sentrong pambalitaan nang magbatuhan ng ‘akusasyon at depensa’ ang ilang matataas na opisyal ng pambansang pulisya ukol sa insidenteng deportation mula Canada.

Nauna nang napaulat na naharang si dating Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr., pagdating sa Canada kamakailan.

         Ibinunton ni Azurin sa kanyang dating kaklase sa Philippine Military Academy na si Lt. Gen. Rhodel Sermonia bilang pinagmumulan ng impormasyon tungkol sa kanyang umano’y deportasyon sa Canada.

Masisipi sa ulat, si Azurin ay nagtungo sa Canada para sa isang personal na paglalakbay at siya ay kusang umuwi makaraan ng insidente.

Itinanggi ni PNP Deputy Chief Sermonia ang pagsasapubliko ng impormasyon tungkol sa umano’y pagpapa-deport kay Azurin.

Mababatid na nagretiro si Azurin sa PNP noong Abril 24, 2023 habang si Sermonia, ang No. 2 man, ay aabot sa mandatory retirement age sa Enero 26, 2024.

Ang gobyerno ng Canada ay “nagpahayag ng kanilang panghihinayang sa maling komunikasyon.” Hinihintay ng Department of Foreign Affairs ang opisyal na pahayag mula sa Canadian embassy.

Teka… ‘di ba sina Azurin at Sermonia ay magka-klase sa Philippine Military Academy – Makatao Class of 1989? Magkatuwang nilang dinanas ang mabigat na pagsasanay sa PMA. Tila nakalulungkot na biglang napawi ‘ata ang mahigpit nilang kapatiran na pinanday sa akademiya.

Magbilas (in laws) din sina Azurin at Sermonia. Magkapatid ang naging asawa nila. Nasaan na ang esensiya ng kasabihang “Blood is thicker than water, but loyalty is thicker than blood.”  Bakit agad humantong sa publiko ang kanilang punahan?

Tapos na ba ang isyu? Marahil hindi pa? Pero mas pinag-aalala ng tagasuri na posible pang may umalingawngaw na panibagong tampulan (cynosure) o ungkatan ng mga natatagong usapin.

Ipinapalagay na may ‘kontrobersiyal’ pang usapin ang maaaring sumulpot habang nalalapit na ang pagreretiro ni Chief PNP Benjamin Acorda sa        darating na Disyembre.

Nakalulungkot isipin na mistulang ‘Marites’ o tsimis ang sumusulpot na  isyung nagmumula sa hanay ng ilang matataas na opisyal ng pulisya. Dapat maging ehemplo sila sa pagtataguyod ng integridad ng organisasyon na binubuo ng 227,000 police force.

Kung sinuman ang nagnanais o may pinupuntirya (minamanok) na maging kasunod na hepe ng PNP ay sana mas mainam na itampok nila ang limang katangian ng mabubuting opisyal ng pulisya na may integridad, empathy, team orientation, kakayahang umangkop, at may mabuting komunikasyon.

Mas patampukin nito sa balita at social media para sa kabatiran ng madla ang mga naging accomplishment sa serbisyo ng isang opisyal ng pulisya na mahusay na naipatupad ang peace and order at pagtitiyak sa public safety sa bansa.

‘Ika nga ng Pantas, “He who wins the heart and mind of the people, wins the battle.”  Lubos na hinahangad ng bawat isa sa  atin ang tuloy-tuloy na pagkakarooon ng mapayapang pamayanan, masaya, at nakapag-aambag sa ibayong pag-unlad sa pamumuhay ng mamamayan.

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …