Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Liza Soberano

Hope Soberano from Hollywood to Korean career (makalusot naman kaya?)

HATAWAN
ni Ed de Leon

NATAWA naman kami roon sa balitang ngayon  ay pinag-aaralan na ni Hope Soberano ang kulturang Koreano dahil may balak siyang mag-shift ng kanyang pangarap mula sa Hollywood, tungo na sa mga Korean drama. Siguro napagtanto na rin ni Hope na mahirap siyang bumangga sa mga Kano at mas magiging madali para sa kanya ang maging artistang Asyano na lamang.

Sabihin mo mang may dugong Kana siya, at American citizen siya, hindi niya maitatago na naging artista siya sa PIlipinas, at mahirap tanggapin sa US ang isang galing sa Third world. Tingnan nga ninyo noong araw si Nancy Kwan, sumikat pa ba pagkatapos ng role niya bilang Chinese girl sa Flower Drum Song? Si Bruce Lee lang ang sumikat sa US, at si Toshro Mifune na laging nakukuha kung may role ng isang Japanese character. Natanggap ba sila sa ibang roles? 

Kung si Lea Salonga nga na nagpakita na ng kahusayan at gumawa ng history sa London at sa Broadway, hindi makapangahas na magsabing gusto niya ng isang Hollywood career.  Iyon pang wala pa namang malaking role na nagawa talaga?

Mas ok ang balak niyang pumasok sa Korean showbusiness, baka mas may pag-asa siya roon, pero tandaan ninyo, ang gaganda rin ng mga Korean actress, at hindi maipagmamalaki ni Hope ang ganda niya roon. At isa pa, ang mga Koreano, sumusuporta lang sa mga kapwa nila Koreano. Ewan kung ano ang magiging kapalaran ng isang Pinoy na nag-aambisyon naman ngayong maging KOREAN Star, matapos na mapagtanto na hindi siya ubra sa pangarap niyang Hollywood?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …