Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kych Minemoto Michael Ver

Mga bibida sa Tiktok serye ng Puregold na My Plantito kilalanin sa My Plantito Fan Meet

SHOUT OUTsa lahat ng manonood ng pinakabagong kinababaliwan mula sa Puregold Channel:ang My Plantito! Maghanda sa isang hapon na puno ng kilig at pagkasabik sa My Plantito Fan Meet, na gaganapin sa Setyembre 16, 4:00 p.m., sa Puregold QI Central Store.

NAIIBA ang fan meet na ito na magbibigay-pagkakataon sa mga tagasunod ng My Plantito na makilala at makasama ang mga artista nito na mayroong mga palaro, na ang mananalo ay magkakamit ng eksklusibong mga premyo at makatatanggap ng mga freebie.

Isang linggo pa lamang ipinalalabas ang My Plantito subalit nabingwit na nito ang puso ng mga netizen dahil sa kombinasyon ng romansa, komedya, at saya. Itinatampok ang kagiliw-giliw na si Kych Minemoto bilang Charlie at ang misteryosong si Michael Ver bilang ang Plantito na si Miko, naging sikat na sa Tiktok ang serye, at bawat episode ay nakalikom na ng mahigit sa milyong views.

Walang duda na gustong-gusto ng mga fan ang matatag na chemistry ng BL (Boy-Love), na kinikilala pa lamang ang isa’t isa. Dahil namangha sa naratibo ng kuwento at ang pag-arte ng mga kalahok na bida, kinasasabikan na ng mga manonood ang kauna-unahang fan meet na maaaring makasalamuha ang mga bidang sina Kych at Michael, at ang iba pang miyembro ng cast na sina Ghaello Salva, Elora Espano, Devi Descartin, at Derrick Lauchengco.


Sa gabay ng producer na si Chris Cahilig at direktor na si Lemuel Lorca tiyak marami pang nakatutuwang handog ang serye sa susunod nitong mga episode.

Habang nag-aabang, huwag palampasin ang pagkakataong makikonekta sa kapwa-fan at ipagdiwang ang maagang tagumpay ng My Plantito. Makisaya sa hapon ng tawa at hindi malilimutang mga kaganapan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …