Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
James Reid Nadine Lustre Issa Pressman

Issa Pressman nag-react nga ba sa beso at yakapan nina James at Nadine?

HATAWAN
ni Ed de Leon

BIGLANG naging issue ang pagkikita nina James Reid at ng dati niyang syotang si Nadine Lustre sa opening ng isang boutique sa Makati. Kasama rin doon si Liza Soberano at ibang stars. Natural dati naman silang magsyota at nag-live in pa ng apat na taon, nang magkita ay nagkayakapan at halikan sina James at Nadine, kahit na sa ngayon ay wala na silang feelings sa isa’t isa. For old times sake, ayos lang naman ang ganoong batian. Isa pa ngayon lang sila nagkita ulit matapos na magkahiwalay ng tuluyan.

Pero ang tsismis, mukhang nag-react daw si Issa Pressman na syota ngayon ni James dahil sa nangyari. Matapos na bumaba ng sasakyan, patalilis na umalis si Issa.

Aba at nag-walk out si Ate, “sabi tuloy ng ilang mga fans na nakapansin sa kanya. Pero iyan ay isang planned event. ALam nila ni James na naroroon din si Nadine, in the first place, hindi naman kasali sa event na iyon si Issa. Bakit nga ba siya sumama pa kay James? Siya ba ang tumatayong PA ng kanyang syota? At natural naroroon si Nadine na mas sikat kaysa kanya at kapapanalo lang ng best actress awards. Natural malaki iyon sa tingin ng masa, talagang maa-out of place siya.

Ang basa namin kay Nadine, masaya na siya ngayon sa kanyang boyfriend, at dahil sa naging karanasan niya, hindi na babalikan niyan si James, lalo ngayong napatunayang tatayo naman pala ang kanyang career kahit na hindi si James ang kasama. Noon kasi ewan ba kung sino ang nag-brain wash kay Nadine na walang mangyayari sa career niya kung wala si James, eh sa ngayon hindi lang siya star, kinikilala na siyang isang aktres. Hindi na niya kailangan ang love team.

Isa pa, masaya na siya sa boyfriend niya na mukhang mas seryoso ang pananaw sa buhay. Eh si James wala pa ring nagyayari sa career hanggang ngayon, nasilat pa sa kanyang kasosyo.

Hindi dapat nag-react si Issa, in the first place hindi naman siya kasali roon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …