Thursday , April 24 2025
Mike Enriquez

Magagandang ginawa at naitulong ni Mike Enriquez usap-usapan

HATAWAN
ni Ed de Leon

MUKHANG totoo nga yata ang kasabihan ng mga matatanda sa Santa Ana na naririnig namin noong bata pa kami. Ang sinasabi nila, “ang sino mang may debosyon sa Ina ng Walang Mag ampon, pumanaw man ay mananatiling buhay sa isip at alaala ng lahat, dahil siya ay deboto ng mapag-ampong birhen.”

Iyan ang nakikita naming nangyayari ngayon sa aming kabayang si Mike Enriquez. Pumanaw si Mike noong Martes ng hapon, mabilis na kumalat ang balita at sa buong magdamag na iyon, at hanggang sa maghapong kasunod puro siya ang pinag-uusapan. At ang sinasabi ay ang mga kabutihang kanyang ginawa. Nakatutuwa na hindi lamang ang GMA, maging ang ABS-CBN sa kanilang prime newscast na TV Patrol ay nagbigay ng tribute kay Mike, at lahat sila ay nagsasabing isa siyang mabuting tao.

Nakausap nga namin ang isang dating executive ng GMA, si Leni Parto, na nagsabi sa amin, “napakabait niyang si Booma at lagi siyang nakalaang tumulong kanino man na nangangailangan ng tulong niya, at hindi iyan iyong ang tulong niya ay hihingin niya sa iba, dudukutin niya iyon sa sarili niyang bulsa. Napaksaya pang kasama, basta masyado nang seryoso ang usapan, biglang magjo-joke iyan na nauuwi sa tawanan. Ang isa pang nakagugulat sa kanya, dahil siya ay umiikot sa buong PIlipinas dahil sa aming mga provincial stations noon, lahat sila ay nakakausap niya sa sarili nilang wika, ang daming salitang alam ni Mike.”

Puro papuri kay Mike ang aming narinig sa buong araw. Noong bandang hapon, nagtungo kami sa Santa Ana dahil may isa kaming kaibigang namatay din, at kahit na sa burol na ng ibang tao, si Mike pa rin ang pinag-uusapan. Totoo ngang hindi maaaring mamatay sa limot ang isang tunay na deboto ng Ina ng Walang Mag-ampon, Patrona ng Santa Ana sa Maynila simula pa noong 1770.

At saka sa totoo lang, isang mabuting tao naman talaga si Mike, ganoon din ang kanilang buong pamilya. Maging ang tatay niya ay naglilingkod din sa simbahan at deboto ng Mahal na Birhen. Naalala nga namin nang huling makita namin si Mike sa pista ng Birhen, naroroon siya sa harapan bilang Hermano Mayor at hawak niya ang alta barra, ang simbolo ng pamumuno sa debosyon sa loob ng isang taon.

At gaya ng sigaw ng lahat noon, Mabuhay si Mike Enriquez, Mabuhay ang Birhen ng Walang Mag Ampon.

About Ed de Leon

Check Also

Hiro Magalona

Hiro Magalona balik pag-arte sa pelikulang Aking mga Anak

MATABILni John Fontanilla PGKATAPOS magpakasal at balik-showbiz ang aktor na si Hiro Magalona, makakasama ito sa …

Billy Crawford Coleen Garcia Son

Coleen may mensahe kay Billy sa kanilang 7th wedding anniversary

MATABILni John Fontanilla SABAY na ipinagdiwang nina Billy Crawford at Coleen Garcia ang kanilang seventh wedding anniversary at Easter …

Sanya Lopez

Sanya never idinenay at itinago sa publiko na may naging dyowa

MA at PAni Rommel Placente DAHIL ang title ng latest movie ni Sanya Lopez ay Samahan ng mga …

Gardo Versoza Cherie Gil Nora Aunor

Biro ni Gardo ‘di nagustuhan ng netizen

NAGBIBIRO man o hindi si Gardo Versoza sa kanyang post na larawan nila nina Cherie Gil at Nora Aunor sa kanyang …

Jericho Rosales Janine Gutierrez

Jericho pinuri pamilya ni Janine: amazing family, this is the family

MA at PAni Rommel Placente FINALLY ay kinompirma na ni Jericho Rosales na boyfriend na siya ni Janine …