Tuesday , April 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Karla Estrada Jam Ignacio

Karla hirap mag-move on kay Jam

REALITY BITES
ni Dominic Rea

TAHIMIK pa rin hanggang ngayon ang kampo ng dalawang dating partners na sina Karla Estrada at Jam Ignacio

March or April this year nagkalabuan ang dalawa ayon sa tsismosang bubwit.

Noong mga nakaraang buwan ay medyo hirap daw makapag-move on si Karla sa pangyayari pero sa taping naman ng kanyang Face 2 Face show sa TV5 ay mukhang okey naman siya. 

Pero there was a time raw na nagyaya itong si Karla ng walwalan kasama ang ilang kaibigan at doon nga nalaman ng mga tsismosang bubwit na may pinagdaraanan ang ina Daniel Padilla.

Nanghihinayang talaga ako sa kanilang dalawa dahil bagay naman sila. Parehong guwapo at maganda at ang alam ko ay close na rin si Jam sa family lalo na sa mga anak ni Karla. I don’t know ha kung sa lahat.

Anyways, ganoon talaga ang buhay pag-ibig. Kasi naman, sabi pa ng tsismosang bubwit, ayaw na lang daw manahimik sa lovelife itong si Karla tutal okey naman ang buhay niya. Sagot ko naman kay bubwit, aba, eh matuturuan mo ba ang pusong magmahal?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Eddie Bong Soriano The Bravest Knight

Pinoy animator nominado sa 2026 Canadian Screen Awards

ISA na namang Pinoy animation artist ang kinilala sa global entertainment stage. Dahil sa galing …

Beautéderm Rhea Tan namahagi ng tulong delivery riders tricycle drivers

Beautéderm CEO na si Rhea Tan, namahagi ng tulong sa 200 delivery riders at tricycle drivers 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NABIYAYAAN ang 200 delivery riders at tricycle drivers ng mga …

Sofia Pablo Allen Ansay Marco Masa Charlie Fleming Michael Sager Kira Balinger Josh Ford Sean Lucas Anthony Constantino

Sofia at Allen masusubok ang lakas

HARD TALKni Pilar Mateo INTERNET culture. Deep rooted folklore.  Franco Mortiz ang direktor. Si Ays de Guzman ang …

Salome Salvi

Kasong isinampa kina Salome at Tyo Bri ng KSMBPI tuloy pa rin

HARD TALKni Pilar Mateo TULOY pa rin ang paghahatag ng kaso ni Dr. Michael Raymond A. …

Anton Vinzon Kamao

Anton Vinzon muling sasabak sa aksiyon

I-FLEXni Jun Nardo INAABANGAN ng fans kung sino ang magiging leading lady ni Anton Vinzon sa launching …