Sunday , December 22 2024

Eat Bulaga! trademark pagmamay-ari ng TAPE Inc. hanggang 2033

NAGLABAS na ang Bureau of Trademarks sa ilalim ng Intellectual Property of the Philippines (IPOPHL) ng Certificate of Renewal of Registration sa production company na Television and Production Exponents Inc. (TAPE Inc.) para sa “Eat Bulaga!” trademark.

“TAPE Inc., renewed its registration and we are happy na na-issue na ang Certificate of Renewal which makes TAPE Inc. the continuous owner of the name Eat Bulaga! and EB and its logos until 2033,” ibinahagi ni Maggie Abraham-Garduque, legal counsel ng TAPE Inc.

“Importante ito kasi kumbaga sa lupa, ang Certificate of Registration and in this case, the Certificate of Renewal of TAPE Inc., ay ang titulo to prove its ownership over the trademark Eat Bulaga!” dagdag niya.

Ayon sa certificate ng IPOPHL, ang trademark at tradename ay unang nairehistro noong 14 Hunyo 2013 at na-renew noong 14 Hunyo 2023. Ini-renew muli ito nang dagdag na 10 taon o hanggang 14 Hunyo 2033.

“Marami kasi ang nagsasabi na since nag-expire ang registration ng TAPE Inc., sa Eat Bulaga! trademark, free for all na ito. This is not true,” paliwanag ni Garduque.

Higit pa rito, ang TAPE Inc., ay binigyan ng ownership sa classes 16, 18, 21, at 25 para sa merchandise na may trademark ng EB.

Ayon sa website ng IPOPHL, ang trademark ay isang salita, grupo ng mga salita, logo, simbolo, o kombinasyon ng mga ito na nagsisilbing palatandaan para sa mga produkto o mga serbisyo.

Ang registration ng trademark ay nagbibigay sa may-ari ng “exclusive rights” sa paggamit ng trademark upang pigilan ang iba sa pagsasamantala sa trademark sa anomang paraan.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …