PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
PUMAYAT ng bahagya si Jerome Ponce nang makaharap namin sa mediacon ng Kung Hindi Lang Tayo Sumuko.
Bumagay sa hitsura ni Jerome ang kanyang aura lalo’t isang OFW ang kanyang gagampanang role sa bagong TV series ng Viva Television.
Masakit ang title ng series pero sa totoong buhay naman ay tunay na may mga desisyon tayong ginagawa na either i-re-regret natin sa huli o gagawing positive for everyone to move forward.
Inamin ni Jerome na na-miss niya ang maging isang leading man uli na kapareha ay babae. Sa mga nakaraang projects niya kasi ay nalinya siya sa mga BL series na kina-kiligan din siya.
Rito sa Kung Hindi Lang Tayo Sumuko, leading man siya ni Rhen Escano at kasama rin nila ang mga partners na Coleen Garcia-Carlo Aquino at Ryza Cenon-Kiko Estrada.