Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maine Mendoza at Arjo Atyde

Nang-iintriga kina Arjo at Maine masama ang tubo ng dila

HATAWAN
ni Ed de Leon

TILA masama nga naman ang tubo ng dila niyong nagsabing pagkatapos ng kanilang kasal, namasyal sina Maine Mendoza at Arjo Atyde sa ilang bansa sa Europa at iyon daw ay official trip dahil ang aktor ang vice chairman ng House Committee on Creative Industry and Performing Arts. 

May sinabi pang si Arjo ay pupunta roon dahil sa isang film festival na kasali ang kanyang pelikula. Pangit nga namang sinabi ang ganoon, lalo’t sinabing official ang lakad. Dahil lumalabas na gastos iyon ng gobyerno at kukunin sa kaban ng bayan.

Inamin ni Maine na mayroon nga silang ganoong lakad, at pupunta nga raw sila sa Locarno film Fstival dahil sa isang pelikula ni Arjo pero iyon daw ay personal nilang lakad at ang gastos doon ay manggagaling sa kanilang bulsa at hindi sa kaban ng bayan. 

Kung iisipin mo nga naman maganda naman ang buhay ng pamilya ni Arjo. Walang makapagbibintang diyan na kumukupit sa pera ng bayan. Baka hindi ninyo alam, hindi pa congresman iyang si Arjo, kumakandidato pa lang, ang lahat ng barangay sa unang distrito ng Quezon City ay binigyan niya lahat ng sasakyan, L300, na siya nilang ginamit sa pamimigay ng ayuda noong panahon ng pandemic. At noon pa man, panay na ang bigay niya ng ayudang bigas at mga groceries sa mga tao, paano mong pagbibintangang gagamit iyan ng pera ng bayan sa pagpunta sa isang festival sa abroad na kasama ang kanyang asawa?

Iyang mga bumabanat na iyan sa ngayon ay hindi naman nila kalaban sa politika. Iyang bumabanat ngayon ay mga die hard fans na galit sa pagpapakasal nina Arjo at Maine. Hindi nila matanggap na hindi si Alden ang naging asawa ni Maine. Pero niligawan ba naman ni Alden si Maine? Bakit si Maine lang ang kanilang binabanatan?

Magulo talaga sila. Dapat tingnan din nila kung nanligaw nga ba si Alden, kung hindi naman eh bakit gigil na gigil sila nang ligawan at maging syota at ngayon ay mapangasawa pa ni Arjo si Maine?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …