Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arjo Atayde Maine Mendoza

Bagyo, pagbaha isinisisi sa pagpapakasal nina Arjo at Maine

HATAWAN
ni Ed de Leon

TAMA nga naman, hindi kasalanan nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang pagkakaroon ng bagyo sa Baguio noong sila ay ikinasal. Para kasing sinisisi sila na ang pagpapakasal ng dalawa ang dahilan kung bakit bumagyo at bumaha pa hanggang sa Baguio. Para bang gusto nilang sabihin na lahat ng kamalasan ay nagsimula dahil sa pagpapakasal ng dalawa. 

Ewan kung bakit nga ba hindi nila matanggap na nag-iibigan iyong dalawa ng tunay, hindi bilang love team lamang kaya nagkasundo silang magsama habambuhay.

Sabi nga ni Joey de Leon, “tandaan ninyo, unang nagplano si Menggay kaysa kay Egay”. 

Oo nga naman buo na ang plano nilang pagpapakasal bago pa nagkaroon ng bagyo. Bakit ninyo sisisihin ang dalawa kung magkapasal man sila kahit na may bagyo? Mahalaga sa kanila ang petsang iyon. At hindi na nlla maaari pang baguhin dahil lamang sa bumagyo.

Kung hindi ka naman maloka, may isa pang kumakalat na issue. Ang pinakasalan daw ni Arjo ay hindi naman si Maine kundi isang clone lamang. Ikinukompara pa nila ang sinasabi nilang picture ni Cloney na pinakasalan ni Arjo at ang tunay na Maine Mendoza kuno eh kung ang pinakasalan lang naman pala ni Arjo ay isa ngang clone, at ang tunay ni Maine ay asawa na at may tatlong anak kay Alden. Ano pa nga ba ang

ipinagpuputok ng butse nila? Ilabas na nila ang ebidensiya na iyon ay clone lang at magharap sila ng demanda sa ginawang falsification of public document. Tapos dalhin nila kay Sen Raffy Tulfo.

SI Maine raw kasi ay ikinasal na kay Alden at may tatlo na silang anak. Eh kung si Alden mismo nagsasabing hindi totoo iyan eh bakit iginigiit ninyo? Isa pa hindi madaling makahanap ng isang clone ng

isang tao. Ano iyon robot na inanyuang kamukha ni Maine? Ibig bang sabihin maging ang mga magulang ni Maine, mga kapatid at kaibigan ay bahagi ng sinasabi nilang zarzuela at kasabwat sa paghaharap ng isang clone kay Arjo? Naniniwala ba kayong talaga sa ganyan?

Noon pa maraming scientist ang nagsasabing makagagawa sila ng clone ng isang tao, pero bakit wala tayong nakitang clone?

Hindi na bago iyang clone story eh, hindi ba noong araw pa sinasabi nilang si Presidente BBM daw ay wala na at ang nakikita natin ay isang clone lamang. Isipin ninyo kung totoo nga iyon, ang presidente pala natin  ay clone?

Ay ewan ko sa inyo, kung ang nangyari nga sa Baguio ay isang Zarzuela lamang, mas mabuti siguro itigil na ninyo iyang pagbabasa ninyo ng pasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …