Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lea Salonga

Lea Salonga hindi dapat ikompara kay Mocha

HATAWAN
ni Ed de Leon

DAHIL siguro sa wala na siyang political support ngayon at wala na ring insider stories sa gobyerno dahil wala na ang kanyang alagang si Mocha sa puwesto, entertainment naman ang binabanatan ng vlogger na si Banat By

Noong isang gabi ay nakita namin ang kanyang vlog na nagsasabing mali raw ang katuwiran ni Lea Salonga, dahil sanay din naman siya sa shows sa abroad lalo na noong kasama niya si Mocha, at talaga raw bahagi na ng show iyong pagkatapos ng palabas, iistambay muna ang mga peformer sa stage para sa mga gustong magpa-picture at magpa-autograph. 

Tama ang sinasabi ni Banat By kung ang artista ay nasa katergorya ni Mocha. Pero iba si Lea. Kung sabihin nga ng mga Kano, siya ang legendary star ng Broadway. Kinilala si Lea bilang best actress ng lahat ng grupo ng mga kritiko sa New York at London, at sa loob ng panahong iyon ay grand slam siya sa lahat ng award pati na ang Laurence Olivier Award. At hindi mga hotoy-hotoy na award iyan. Kaya dahil diyan, may respeto maging ng mga Kano kay Lea, iba naman ang standards niya. Natitiyak namin na wala sa kontrata ni Lea iyong kailangan niyang magpa-picture sa mga fan o pumirma ng autograph pagkatapos ng show. Kahit naman anong tingin ang gawin mo, iba naman ang kategorya ni Lea kay Mocha. Si Mocha sumasayaw iyan kahit na sa mga make shift na stage sa mga probinsiya lalo na noong panahon ng kampanya ni Presidente Digong, kaya naman siya binigyan ng mataas na puwesto sa gobyerno.

Noong panahon naman ni Presidente Digong talagang maraming mga political appointees eh, iyong inilagay sa puwesto dahil sa utang na loob. Pero hindi ganoon si Lea.  Sumikat siya on her own at inilagay niya sa mapa ang Pilipinas. Hindi niya ginamit ang Pilipinas para makilala. Kahit naman dito eh, kung sikat ang isang artista, mapapa-istambay mo ba sa stage para makipag-selfie lamang? Hindi. At ang mga artista kanya-kanyang kategorya iyan. Hindi dahil ginagawa ni Mocha, iyon ang standards. Eh mas maraming sikat kaysa kay Mocha.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …