PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
KAABANG-KAABANG din ang mga inihahandang sorpresa ng TAPE Inc. kaugnay ng pagdiriwang ng ika-44 anibersaryo ng Eat Bulaga.
Basta naka-align ang lahat ng production numbers at mga papremyo nila para sa mga manonood at tagapag-tangkilik.
Aware ang mga taga-TAPE na posibleng may paghahandang gagawin ang TVJ for
the said date, July 29.
Magkita-kita na lang daw at maging masaya sa anuman.
“We are so blessed to have a new found community of followers. Mayroon na rin naman kaming nabubuong matatawag na amin. We are happy and working on how to improve our numbers in the ratings game and the rest will follow,” ani Bullet.
Sa mga noontime show kasi sa ngayon, kapwa may see-saw figures (up and down) ang parehong EAT at It’s Showtime habang constant at steady ang numbers ng Eat Bulaga.
Very impressive na ‘yung matatawag dahil kahit ‘di ka mabilis na umaangat, hindi ka rin naman bumababa. That’s a good sign.
Wala nga namang masyadong pressure lalo’t baguhang matatawag ang sinasabing number 3 sa ngayon.