HATAWAN
ni Ed de Leon
MINSANG kumakain kami sa food court ng isang mall. Naririnig namin ang usapan ng dalawang babae at ang sabi ng isa, “ako maski na ganito lang ako hindi ko papatulan kung ang liligaw lang sa akin ay kagaya nga ni Paolo Contis. Liligawan ka lang bubuntisin ka tapos iiwan sa iyo ang mga anak mo ng walang sustento.”
Wala siyang pakialam kung ano mangyayari sa mga bata eh, anak niya iyon. Kung hindi niya pinakialaman iyong babae, wala siyang magiging anak at wala siyang kailangang sustentuhan. Ang dapat na maging syota niya kagaya ni Awra, hindi magbubuntis, hindi magkaka-anak at hindi kailangan ng sustento.
Ang mga babae ngayon kailangan nang maging wise, kung ang liligaw sa inyo ay gaya lang ni Paolo, huwag na kayong mag-isip dispatsahin na ninyo agad.
Ang hanapin ninyo ay gaya ni John Lloyd Cruz, magbibigay na ng sustento para sa anak, dinodoble pa. Iyon ang tatay.