Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ellen Adarna John Lloyd Cruz Elias

John Lloyd nakabibilib sustento kay Elias gustong doblehin

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKATUTUWA naman iyong sinabi ni Ellen Adarna na si John Lloyd Cruz daw ay sobra-siobra ang sustento sa kanilang anak na si Elias. In fact pinipilit pa ni Lloydie na doblehin ang napagkasunduan nilang sustento para kay Elias.

Una kumukita naman kasi si John Lloyd. Hindi naman siya host ng isang bagsak na show kaya wala pang sustento. Ikalawa, alam na niya na hindi maganda para sa kanilang anak ang naging paghihiwalay nila, ayaw siguro niyang maisip ng kanyang anak na napapabayaan siya o magkaroon pa ng problema ang nanay niyon sa pagpapalaki sa kanya at may masabi pa iyong hindi maganda tungkol sa tatay niya.

Hindi rin naman siguro gustong marinig ni John Lloyd na sinasabi ng anak niya paglaki niyon na nagkulang siya. In short, mas may konsensiya talaga si John Lloyd kaysa tatay na may pambabae pero walang pangsustento sa kanyang mga anak.

Iyan ang magandang example, hindi man sila magkasundo ng nanay ng kanyang anak, hindi naman niya pinababayaan ang anak niya, gaya ng iba na masarap ang buhay pero hindi niya alam kung ang mga anak niya ay may kinakain pa ba. Iyon ang masasamang tatay at hindi nagtatagumpay ang mga taong ganoon. Lahat ng gawin niyon minamalas din.

Basta kami bilib kay John Lloyd dahil sa sinabing iyan ni Ellen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …