Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alden Richards Eat Bulaga Dabarkads

Alden nananatili ang loyalty sa TVJ 

MA at PA
ni Rommel Placente

IGINIIT ni Alden Richards sa panayam sa kanya ng News 5 na nananatili ang kanyang loyalty sa mga haligi ng Eat Bulaga na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, na kilala rin sa tawag na TVJ.

Kaya naman nang magpaalam na ang tatlo sa Tape Inc., na producer ng Eat Bulaga, ay nag-resign na rin siya sa noontime show.

Aminado naman kasi si Alden na malaki ang utang na loob niya sa mga ito dahil isa ang Eat Bulaga sa naging dahilan kung bakit siya sumikat at ang dating loveteam nila ni Maine Mendoza, na kilala sa tawag na AlDub.

Mensahe ni Alden para kina Tito, Vic and Joey, “To TVJ, know that kahit ano pa man ang mangyari, my loyalty, ‘yung sarili ko is for them… regardless.

“I’m always looking back dun sa mga taong nakatulong sa akin nang malaki.

“I think I have the right to defend that. And that’s my stand because malaki po ang utang na loob ko sa kanila, and my support for them will go until the end of times.

“Malaki po ang pasasalamat natin sa Eat Bulaga.”

Wala si Alden nang nagpaalam sina Tito, Vic, at Joey, sa pamamagitan ng Facebook Live at YouTube, sa loyal viewers ng Eat Bulaga! noong March 31, 2023.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …