Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Regala
John Regala

John Regala kailangan pa rin ng tulong para sa maayos na libing

HATAWAN
ni Ed de Leon

MALUNGKOT na balita ang sumalubong sa amin noong Sabado ng umaga. Pumanaw na pala ang action star na dati ring kasama sa That’s Entertainment ni Kuya Germs na si John Regala. Kinompirma  ng kanyang asawa na namatay na nga si John dahil sa internal organ failure una na ang kanyang kidney na ipinagamot na rin noon. Pero walang ibang detalye, ni hindi sinasabi kung saan ibuburol si John o kung kailan siya ililibing. Itinatanong din iyon ng kanyang fans at mga kasamahan na gustong makiramay sa naiwan niyang pamilya, pero mukhang hindi pa sila ready sa kahit na anong announcement. Parang hindi nga

halos pinag-uusapan ang nangyaring iyon.

Siguro may pait pa ngang naiwan noon ang naging controvesy nila ng mga dating kasama sa That’s Entertainmentna sina Chuckie Dreyfus at Nadia Montenegro, kasama pa rin si Aster Amoyo na matapos siyang tulungan ay nagkaroon pa ng ilang usapan dahil ipinasok daw siya sa isang napakamahal na ospital kaya naubos nang ganoon na lamang ang mga ipinadalang tulong sa kanya. Ikinatuwiran naman nila noon na kailangan sa kanyang dalhin sa National Kidney Institute kung nasaan ang mga espeyalista sa kidney. Totoo rin namang ilang araw siya sa isang outdoor tent lamang dahil iyon ang panahong puno ang lahat ng mga ospital dahil kasagsagan pa noon ng Covid. Sinabi pa niyang hindi

nagkaroon ng maliwanag na kuwenta kung magkano nga ang nakalap at kung magkano ang gastos. 

Sinulit naman iyon ng mga tumulong pero pagkatapos ay sinabi nilang ayaw na nilang makialam kay John. Nang medyo lumala na naman ang sakit niya kamakailan, nanawagan si John sa kanyang mga kasamahan na tulungan siya alang-alang na  lang daw sa mga nagawa niyang kontribusyon sa industriya, pero naging matabang ang naging pagsalubong ng mga taga-industriya hanggang sa nabalita na

ngang yumao na siya.

Sana ngayon namang wala na si John tulungan na nila para magkaroon naman siya nang maayos na libing at kalimutan na kung ano ang naging problema in the past.

(Nakaburol ang labi ni John sa St. Peter Chapels – Commonwealth Ave.—ED)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …