Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Val Del Rosario Vincent Del Rosario Viva One Sarah Geronimo John LLoyd Cruz

John Lloyd-Sarah G movie mapapanood sa Viva One

ni Allan Sancon

HINDI na talaga matawaran ang tagumpay ng Vivamax dahil sa loob pa lamang ng tatlong taon, nakamit na nito ang mahigit 7M subscribers mula sa iba’t ibang parte ng mundo.

Sabi ng mga Viva Execuitives na sina Boss Valerie Del Rosario at Boss Vincent Del Rosario, ang sikreto ng tagumpay ng Vivamax ay dahil sa lingguhang pagpapalabas ng mga de kalidad na original films mula sa mga magagaling na director at magagaling na Vivamax artists.

Bukod dito, itinatag na rin kamakailan ng  Viva ang  Viva One na may more than 500k subscribers na rin sa loob pa lamang ng tatlong buwan, para naman i-cater ang kanilang wholesome audiences. Tagumpay ang launching ng kanilang kauna-unahang series na The Rain in España para sa Viva One na pinagbibidahan nina Heaven Peralejoat Marco Gallo.

Mapapanood din sa Viva One ang mga ilang pelikula ng Viva Films. Pero plano naman din ng Viva na mag-produce rin ng mga original film na wholesome para sa Viva One.

Natanong nga namin kay Boss Vincent  kung hindi ba nakaaapekto sa sales ng Viva Films na pagkatapos ipalabas sa sinehan ay ipalalabas ang kanilang mga pelikula sa Viva One matapos ang ilang buwan? Hindi ba nila naisip na baka para makatipid ang audience  ay hihintayin na lang ipalabas sa Viva One ang movie ng Viva Films?

Hindi naman kasi naniniwala pa rin ako na iba ang cinema experience at iba rin naman ‘yung mobile experience or ‘yung manonoof ka lang sa iyong laptop at telebisyon, ibang-iba kapag nanood ka sa loob ng sinehan.”

Sinabi na rin nina Boss Vincent at Boss Valerie ang mga aabangang pelikula, at teleserye ng kanilang naglalakihang artista katulad nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz, Cristine Reyes at Marco GumabaoJulia Barretto at Alden Richards gayundin ang Aga Muhlach at Julia Barretto, maging ang pelikula ng controversial na sina AJ Raval at Aljur Abrenica na posible ring mapanood sa Viva One.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …