Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alfred Vargas Nora Aunor Jaclyn Jose Gina Alajar Adolf Alix Jr

Paghaharap nina Nora, Jaclyn, Gina
ALFRED FEELING NAPALILIGIRAN NG TITANS, SUPERHEROES 

MA at PA
ni Rommel Placente

NATAPOS na ang shooting ng pelikulang Pieta na bida si Nora Aunor. Mula ito sa sa joint venture ng Alternative Vision Cinema ni Coun. Alfred Vargas at Noble Wolf Films.

Hindi lang basta producer si Alfred ng pelikula, kundi kasama rin siya sa cast. Ang ilan pa sa  mga artista ng Pietaay sina Jaclyn Jose, Gina Alajar, Bembol Roco, Angeli Bayani, Ina Raymundo, Tommy Alejandrino, Jak Roberto at marami pang iba.

Isa sa hinding-hindi makalilimutang eksena ni Alfred sa Pieta ay nang sama-sama sila nina Ate Guy, Jaclyn, at Direk Gina sa isang mabigat na eksena.

Una, hindi ako makapaniwala. Mayroon kasing isang eksena, nagsama-sama, Nora Aunor, Gina Alajar, Jaclyn Jose. Tapos nandoon ako sa gitna,” kuwento ni Alfred sa panayam sa kanya ng Pep.ph.

Patuloy niya, “Feeling ko, nasa Marvel Universe ako! ‘Pag tumingin ako paganoon, sabi ko… grabe, mga titans talaga! Mga superheroes, superstars ang mga nandiyan.

“So, ako, parang grabe! Hindi ako makapaniwala. Buti na lang, mayroon kaming rehearsals.

“Pero alam mo, rito ko masasabi, magagaling ang lahat na mga kasama ko. Marami kang matututunan. Madadala ka. Dadalhin ka ng galing nila!”

Ano ang reaksiyon niya nang nagkasama-sama sila sa eksenang iyon?

“Ang reaksiyon ko, kahit naman ako, hindi ko naman in-expect na mangyayari iyon!” masayang sabi ni Alfred.

So, siguro may halo nang suwerte. Tapos siguro, sabihin ko na rin… baka meant to be talaga.

“And alam mo, noong eksena pa lang, nagharap sina Direk Gina Alajar, Nora Aunor at saka Jaclyn Jose, may kilabot factor talaga.

“Parang feeling ko, ‘yung eksena na umiikot ka roon sa mga Marvel superheroes na bibilib ka talaga, ‘yung feeling mo.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …