Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Eat Bulaga Tito Vic Joey

Eat Bulaga, Tito, Vic, at Joey lilipat na nga ba ng ibang network?

TOTOO kayang  tuloy na ang paglipat ng Eat Bulaga gayundin nina Tito at Vic Sotto, at Joey de Leon sa ibang network?

Sa pasabog na balita ni Cristy Fermin sa kanilang Showbiz Now Na nina Romel Chika at Wendell Alvarez nasabi nitong tila matutuloy na ang paglipat ng noontime show gayundin ng TVJ sa ibang network.

Sa kanilang YouTube vlog na Showbiz Now Na napag-usapan nina Tita Cristy, Wendell, at Romel ang ukol sa mga kontrobersiyang bumabalot sa noontime show ng TVJ.

Pagbubunyag ni Tita Cristy, handang-handa na raw ang isang producer sa pagsalo sa  Eat Bulaga sakaling magdesisyon na sina Tito, Vic, at Joey na lumipat ng TV network.

Balitang nagkaroon na umano ng “secret meeting” si Tito Sen at ang nasabing producer tungkol sa magaganap na lipatan. Napag-usapan na rin daw kung sino-sino sa mga Dabarkads ang sasama sa TVJ.

“Mayroon pong nakarating sa amin at ito po ay talagang reliable source na nagkakaroon po ng mga secret meeting,” panimulang pagbabahagi ni Tita Cristy.

“Parang tatlo na po ang sinasabing magme-merge ngayon para kung makapagdesisyon ang Tito, Vic and Joey na lumipat ng channel, itong tatlong malalaking producers na ito ang magsasama-sama para itawid sa atin ang bagong ‘Eat Bulaga,’” sabi pa ni Tita Cristy.

“Nag-ano na pala, nag-headcount. Talaga raw tinanong na, ‘Sasama ba kayo?’ ‘Maiiwan kayo?’” At lahat daw ng tinanong na co-hosts ay sasama sa paglipat ng TVJ.

Tinanong ko nga ‘yung source ko, ano talaga? ‘Lilipat, napakabilis ng sagot, lilipat,’” sabi pa ni Tit Cristy.

“May magbubulagaan at bubulagta,” pahabol pang sabi ng veteran columnist.

Naibahagi rin ni Tita Cristy na posible raw magbalik-GMA ang Wowowin ni Willie Revillame. Ito’y matapos ang pag-alis niya ng kontrata sa ALLTV.

Wala pa namang pahayag sina Tito Sen, Vic, at Joey sa ibinalitang ito ni Tita Cristy gayundin ang TAPE at GMA ay wala pang official statement na ipinalalabas hinggil sa usaping ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …